(Hoshi's)
"Duwag mo."
"Huh?"
"Dine-delete mo yung mga totoong gusto mong sabihin sa kanya, diba kaduwagan ang tawag dun?"
Napalingon ako sa may likuran ko dahil may bigla-bigla na lang akong narinig na nagsalita mula dito at pagtingin ko, nakita ko ang isang lalaking mukhang kanina pa binabasa yung mga messages ko kay Jihoon.
LUH CHISMOSO SI KOYA!
Binaba ko agad yung cellphone ko at mabilis ko itong itinago sa bulsa ko.
"Alam mo, walang mangyayari kung maduduwag ka na lang palagi." Sabi niya kaya automatic na napataas yung dalawang kilay ko.
"Anong sabi mo?" Tanong ko.
"Mahal mo diba? Kaya dapat lang na handa kang mag-take ng risk para sa kanya, do you get my point?" Sagot niya habang nananatili pa rin siya sa likuran ko.
Tumayo ako para humarap sa kanya habang nakakunot ang noo ko.
Sino ba 'tong lalaking 'to? At bakit kung makapagsalita siya akala niya alam niya lahat ng nangyari samin ni Jihoon?!
"I guess, hindi ka risk taker no? Mukhang ikaw kasi yung tipo ng tao na hahayaang mawala yung mahal niya dahil lang sa isang pagsubok." Sabi niya ulit pagkatapos ay siya naman yung umupo dun sa swing na inupuan ko kanina.
Napailing-iling na lang ako pagkatapos ay tinalikuran ko na siya, aalis na sana ako nang bigla na naman siyang magsalita.
"Memorable siguro 'tong place na 'to sayo, no? Let me guess, dito kayo nagbreak?" Tanong niya kaya natigilan ako bigla.
Puta!
Pano niya nahulaan yong bagay na yon?
"Tama ako diba?"
At kahit na ayoko siyang kausapin ay nilingon ko ulit siya at nabigla ako nang magbago ang expression ng mukha niya, ang seryoso na kasi bigla ng mga tingin niya.
"Sino ka ba?" Tanong ko habang tinitignan ko siya mula ulo hanggang paa.
At tbh, parang kasing edad niya lang si Dino kung ibabase sa mukha at sa tindig ng katawan pero parang ibang-iba kasi yung mga tingin niya at yung way ng pananalita niya na para bang mas matanda pa siya sakin.
Maya-maya ay tumayo siya at bigla na lang siyang pumunta sa harap ko, ka height niya lang si Jihoon kaya tinitingala niya rin ako.
"Sino ako? Ako yung taong pro-protekta sayo mula sa mga taong gusto kang patayin." Sabi niya habang nananatili pa rin yung expression ng mukha niyang napakaseryoso.
Putangina.
Sino namang magtatangkang pumatay sakin e sa pagkakaalam ko wala naman akong ginagawang masama?!
"Alam mo bang matagal ka nang understudy ng agency namin?"
Putangina pt. 2!
At bakit naman ako magiging understudy ng isang agency?!
"Madaming gustong pumatay sayo."
Putangina pt. 3!!!
Hanggang sa naramdaman ko na ang mga malalamig na pawis mula sa buong katawan ko dahil sa mga pinagsasasabi ng lalaking 'to.
"At alam mo ba kung sinong gustong magpapatay sayo?"
"S-sino?"
"Si..."
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English