s p e c i a l [00]

2K 75 41
                                    

(Woozi's)

June 15, 2016.

Third day of school na pero first day ko pa lang, hindi kasi ako pumasok nung first at second day dahil wala lang, tinatamad lang ako.

At ngayon, kailangan ko na namang magmadali sa paglalakad dahil mukhang late na ako sa klase.

Galing ko diba? Ngayon na nga lang pumasok, late pa.

Malapit na malapit na sana ako sa classroom namin nang bigla na lang akong muntikang makipag beso sa sahig, may isa kasing tarantadong bumangga sakin na hindi man lang ako tinulungang tumayo. Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo niya na para bang wala siyang nasaktan na tao.

Putangina niya at nung color pink na bag niya!

Yung bag lang kasi ang nakita ko sa kanya dahil hindi nga siya huminto o lumingon man lang. Tangina niya, wag na wag na niyang ipapakita sakin yang kulay pink niyang bag para di ko siya makilala dahil kapag nakilala ko siya dudurugin ko talaga yung pagkatao niya puta siya.

Napailing na lang ako pagkatapos ay inayos ko yung sarili ko at tumuloy na ako sa loob ng classroom.

"Good morning, sir." Bati ko dun sa math teacher namin na kasalukuyan nang nagl-lesson.

"Oh? Buti naisipan mo nang pumasok Mr. President ng SVT Club! Tagal ng bakasyon mo ah."

"Sorry, sir. I was sick."

"Sus, lagi ka namang may sakit tuwing pasukan e! Wala nang bago dun, umupo ka na nga lang dun sa tabi ni Mr. Kwon."

Bumuntong-hininga muna ako bago ko puntahan yung nagi-isang bakanteng upuan na tinuturo niya. Hindi na ako nag-abala pang tignan yung seatmate ko at umupo na lang ako ng tahimik sa tabi nito.

"Bring out 1/4 sheet of paper, quiz tayo." Sabi nung teacher namin na ikinagulat ko.

Putangina, kakaupo ko lang e!

"Sir!" Tawag ko dun sa teacher namin kaya bahagya siyang napatingin sakin. "As you can see, I just got here. Baka naman po pwedeng pa-recall ng lesson and---"

"It's not my fault, Lee. Kung pumasok ka sana ng maaga edi sana naabutan mo yung lesson ko, diba?" Sagot niya sakin pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa pagsusulat ng mga problems sa board.

Hays.

At dahil wala na din naman akong magawa, naglabas na lang din ako ng papel. Bahala na nga si batman!

Abala na ako sa pags-solve ng mga punyetang math problems na yan nang mapansin kong parang may sumisilip sa papel ko at nang tignan ko ito, aba, nahuli ko yung katabi ko na nakatingin sa papel ko kaya ayun, pinaltok ko nga ng ballpen yung ulo niya.

Hindi ko nga alam kung anong tinitignan niya sa papel ko e wala namang sagot!

"Aray..." Daing niya habang nakayuko siya at nakahawak ng mariin sa ulo niya.

Tangina, napalakas ata yung panghahampas ko ng ballpen sakanya. Mukhang nasaktan e!

Hala!

"Okay class, pass your paper!"

Ia-approach ko na sana si kuyang seatmate ko para mag-sorry kaso bigla na lang siyang tumayo nung pasahan na ng papel.

"You may go now, Mr. Kwon."

Pagkatapos niyang ipasa yung papel niya ay naglakad na siya papuntang pintuan habang nakayuko pa rin pero bago siya nakalabas ay tumingin ulit siya sa direksyon ko na siya namang ikinagulat ko.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon