[DAY 3]
(Hoshi's)
Punyeta!
Maga-alas kwatro na ng madaling araw pero di pa rin ako makatulog dahil nagpapa ulit-ulit pa rin sa utak ko yung sinabi sakin ni Jihoon kagabi.
'I love you too, Hoshi my loves'
'I love you too, Hoshi my loves'
'I love you too, Hoshi my loves'
AAAAAHHHHHH!!!! KENEKELEG PE REN EKE TENGENE :'>
At dahil hindi na rin naman na ako makatulog, lumabas na lang ako ng tent para pumunta naman sa tent nila Jihoon, bigla ko kasi siyang na-miss e. HIHIHIHIHI :'>
Dahan-dahan akong pumasok ng tent nila at nakita ko naman si Jihoon na ang himbing-himbing pa ng tulog kaya lumapit agad ako sakanya para umupo sa tabi niya.
Tinitigan ko lang ang mala-anghel niyang mukha at napapangiti na lang talaga ako kapag naiisip kong akin na siya dahil sa wakas kami na.
"Baka naman matunaw si Jihoon hyung sa kakatitig mo, Hoshi hyung."
At muntik na yata akong atakehin sa puso dahil sa gulat nang biglang magsalita sa Dino na nasa tabi lang pala ni Woozi.
"Gising ka na pala." Sabi ko sakanya habang nakahawak pa rin ako sa may dibdib ko, nakakagulat naman kasi 'tong batang 'to.
"Hindi naman dapat kung di ka pumasok hyung e." Sagot niya pagkatapos ay bumangon na siya mula sa pagkakahiga.
"Sorry, miss ko lang kasi si Jihoon e." Sabi ko kaya binato niya sakin yung unan niya.
Bastos na bata! Wala man lang pagsuporta.
"Hyung ang oa mo! Wala pang 24 hrs na magkahiwalay kayo miss mo na agad?" Sabi niya habang umiiling-iling pa.
E ano naman kayang magagawa ko kung talaga nami-miss ko na yung taong mahal ko? Hindi kaya oa yun, ang cute nga e.
"Manahimik ka na nga lang dyan! Porke wala kang lovelife ganyan ka na." Sabi ko pagkatapos ay hinawakan ko yung kamay ni Jihoon para asarin siya.
"E ano naman? Ayoko lang talagang gumaya sainyo, puro kayo landi." Sagot niya habang pinapaikot niya pa yung eyeballs niya.
Natatawa nalang ako sakanya dahil ang cute niyang tignan para kasi siyang si Jihoon kapag naiinis e :'>
"Talaga ba? E balita ko crush mo daw si Hansol ah."
"Luh?! Antagal na nun hyung! Yun pa yung mga panahon na nagliligawan sila Jihoon hyung at Seungcheol hyung e." Sabi niya pero para namang kamatis yung mukha niya dahil sa sobrang pula.
"Pero atleast naging crush mo pa rin."
"Crush lang naman yun hyung e! Andami ko na kayang naging crush kagaya ni Seokmin hyung crush ko yun dati kaso may iba na siyang gusto e."
"Ah, si Joshua hyung ba? Nabanggit kasi sakin ni Jihoon dati na may gusto si DK kay Joshua hyung e."
"Ah oo, may gusto siya dati kay Joshua hyung kaso ngayon iba na yung gusto niya pero hindi na sila pwede dahil may mahal nang iba yung gusto niya."
Napataas ang kilay ko dahil wala akong naintindihan sa sinabi niya at parang wala namang nabanggit sakin si DK na may gusto siyang iba.
Ang alam ko talaga si Joshua hyung ang gusto niya e.
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Cerita PendekIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English