79

1.8K 82 117
                                    

[DAY 2]

(Woozi's)

"JIHOON!"

Agad na akong bumangon nang marinig ko nang sumisigaw si Coups sa labas ng tent namin, mahirap na dahil baka ulitin niya na naman yung ginawa niyang panggi-gising sakin kahapon.

Putangina nun napakababoy, akala ko si Seungkwan lang ang baboy dito e.

Lumabas na ako ng tent namin at naabutan ko na ang ibang members na abalang sa pagkain nila.

"Good morning, hyung." Bati sakin ni The8 pagkatapos ay inabutan niya pa ako ng plato na may pagkain na.

"Hyung gusto mo ng tubig?" Tanong naman ni Mingyu habang inaabot din sakin yung isang baso na may lamang tubig.

"May kailangan ka pa ba hyung?" Tanong din Seungkwan na bigla-bigla na lang sumusulpot galing kung saan.

"Gusto mo bang samahan kita mamaya sa pagligo mo hyung? Para may assistant ka lang, ako taga-abot mo ng twalya ganun." Sabi ni DK kaya umiling agad ako. Assistant amputa!

Pero teka nga!

Nananaginip lang ba ako o talagang mabait lang sila sakin ngayon?

"Umamin nga kayo sakin, mamatay na ba kayo kaya nagpapakabait na kayo ngayon?" Tanong ko sakanila habang nagtataka kaya sabay sabay naman silang umiling.

Maya-maya ay lumapit na rin samin yung ibang members habang nakangiti pa silang lahat sakin.

Puta.

Kinikilabutan na ako dahil hindi ako sanay na ganito ang turing nila sakin.

Ano bang meron?

"Wala ka bang naaalala ngayon, Jihoon?" Tanong bigla ni Coups kaya umiling lang ako.

"Try mong alalahanin muna kasi." Sabi naman ni Jeonghan kaya umiling lang ulit ako.

Nagkatinginan silang lahat na para bang nagtataka sa mga kinikilos ko.

Ano bang meron ngayon?

"Teka, anniversary ba ng org natin?"

Umiling sila.

"Anniversary ba ng pagiging presidente ko?"

Umiling ulit sila.

"Anniversary ba ng pagiging single ko?"

At sa pangatlong pagkakataon ay umiling ulit sila.

Napakamot na lang din ako ng ulo ko nung hindi ko na mahulaan yung sinasabi nila, ayaw pa kasing sabihin ng diretso e.

Psh.

"Wag na nga! Mukhang di na niya talaga maalala e, maglaro na nga lang tayo." Sabi ni Coups.

At kagaya kahapon ay tinipon niya ulit kaming lahat para ipaliwanag ang magiging mechanics ng game.

Sana lang magka-points ako ngayon dahil tangina natalo kami kahapon!

Kung hindi naman kasi dahil dun sa lalaking nakita ko sa may puno, hindi ako nawala sa focus at hindi sana ako nakuha ng grupo nila Seungkwan.

"Okay guys makinig!"

Itinuon namin ang atensyon naming lahat kay Coups na nasa harapan.

"Ang magiging game of the day natin ay RED PAINT DIE!"

Napakunot-noo naman ako ng makita ko sila Jeonghan at Joshua na pinagtulungang buhatin yung isang baldeng punong-puno ng maliliit na lobo/balloons.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon