55

1.7K 77 31
                                    

(Hoshi's)

"Sige na! Papasok na ako sa loob. Salamat sa paghatid." Sabi ni Woozi pagkarating na pagkarating namin sa tapat ng bahay niya.

Papasok na sana siya pero hinila ko ulit yung kamay niya kaya napatingin siya sakin ng nakakunot-noo.

"Woozi..."

Tinaasan niya lang ako ng kilay habang naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Ayoko pang umuwi. Gusto pa kitang makasama!" Sabi ko sakanya kaya inikutan niya lang ako ng mata pagkatapos ay sapilitan niyang tinanggal yung kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Marami pa akong gagawin kaya umuwi ka na!" Sabi niya pero hindi ko siya sinunod at nanatili lang ako sa labas ng bahay niya.

"Woozi please?" Pagpipilit ko sakanya na may kasama pang aegyo kaya nabatukan tuloy ako.

Sadista talaga. Hays!

"Ano pa bang gusto mong gawin? Magkasama na nga tayo buong araw e." Sabi niya kaya naman lumawak na ang ngiti ko.

Ayos!

"Punta tayo sa---"

Naputol ang sasabihin ko nang biglang tumunog yung cellphone kong nasa bulsa.

Tinignan ko ito at nakita kong may tumatawag na kabayo, kahit kelan talaga tong hayup na to.

[Hello hyung?]

"Oh?"

[Movie marathon daw tayo kila Vernon!]

"Ngayon na?"

[Bakit hyung? Gusto mo ba next year pa?]

"Ulul! May pupuntahan kami ni Woozi ngayon next time nalang ako sasama sainyo."

[Hindi ka pa ba nagsasawa sa pagmumukha ni Woozi hyung? Kanina mo pa yan kasama ah!]

"Mas nagsasawa ako sa mukha mo."

[Aba! Pasalamat ka nga at nakakakita ka pa ng mukhang kasing gwapo ng mukha ko.]

"Papatayin ko na to, wala ka namang kwentang kausap."

[Ay wait lang kasi! Pumunta nalang kaya kayo ni Woozi hyung doon. Madaming pagkain dun kila Vernon!]

"Igaya mo naman ako sayong patay gutom."

[Wow ha! Pare-parehas lang tayo.]

"Oo na sige na! Pupunta na kami."

[Asan ba kayo? Sunduin ko na kayo.]

"Sa bahay ni Woozi, hinatid ko siya e."

[Ay naks! May paghatid ka na ngayon ah. Feeling boypren amputa.]

"Lul. Bilisan mo nalang."

[HAHAHAHAHAHAHAH---]

Pinatay ko na lang yung tawag kasi naiirita na ako sa katatawa niya sa kabilang linya. Hinarap ko nalang ulit si Woozi na kanina pa pala nakatingin sakin.

OMAYGASH BAKA MATUNAW AKO NIYAN WOOZI :'>

"Movie marathon daw tayo kila Vernon." Sabi ko sakanya at tinanguan niya lang naman ako bilang sagot.

Hindi nalang din ako nagsalita dahil kingina kinikilig pa rin talaga ako sa mga oras na to! HIHIHIHIHIHI :'>

Maya-maya lang ay dumating na din si DK na nakataxi pa. Yayamanin din talaga 'tong kabayong 'to e.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon