16

1.6K 86 10
                                        

(Hoshi's)

Pagkabasa ko dun sa chat ni Wonwoo ay agad na akong tumakbo papuntang clinic, buti nalang pala at nasa room lang kami, isang hallway lang naman ang layo nito sa clinic.

Pagkadating ko, hinanap ko agad sila agad pero hindi ko sila makita dito sa loob ng clinic, hinanap ko din yung school nurse pero wala din siya.

"Asan kaya yung mga yun?!" Aligaga kong tanong sa sarili ko pagkatapos ay napasabunot nalang ako sa sarili kong buhok.

Punyeta naman! San naman kaya dinala ni Wonwoo si Woozi?! Hays!

Aalis na sana ako nang may marinig akong umiiyak sa pinakadulo nitong clinic. At ayoko sanang lapitan, hindi naman sa naniniwala ako sa multo pero malay mo diba? Mag-isa pa naman ako dito.

Hindi ko alam kung anong pumasok sakin at lumapit din ako dun ng unti-unti. Sumilip ako sa babang kanang bahagi ng kama at nanlaki talaga ang maliliit na mata ko sa nakita ko.

"WOOZI?!" Sigaw ko sa gulat nang makita ko siyang nakatungo at umiiyak.

Lumapit naman ako sakanya at umupo sa harapan niya. Geez! Bakit para siyang bata na umiiyak ngayon?

"Anong nangyari sayo? At tsaka nasan si Wonwoo?!" Tanong ko sakanya pero umiling lang siya bilang sagot.

"Pero sabi niya sa chat nag-collapse ka daw!" Sabi ko pero sa lagay niya ngayon parang hindi naman siya mukhang nag-collapse.

Maya-maya ay may bigla nalang siyang nilabas na cellphone mula sa bulsa niya. Teka, cellphone ni Wonwoo yan ah!

"Anong ibig sabihin nito, Woozi?!" Tanong ko sakanya ng naguguluhan.

Nag-vibrate naman bigla ang cellphone ko at nakita kong tumatawag si Coups.

"He---"

[Oy Hoshi! Si Wonwoo 'to, nakita mo ba si Woozi?! Puta. Siya pala kumuha ng cellphone ko na kanina ko pa hinahanap!]

Natahimik ako sandali at napatingin ako sa nakatungo pa rin na si Woozi.

"Ha? Hindi ko pa siya nakikita e." Sagot ko sakanya.

[Teka, akala ko ba nandyan ka na sa clinic?] Tanong niya.

"Wala umalis na ako. Wala namang tao dun." Sagot ko sakanya. Shit naman! Nakakapagsinungaling pa ako ng di oras.

[Sige, pakisabi mo kay Woozi 'pag nakita mo siya na wala siyang mapapala sa ginagawa niya kaya pakisabing ibalik na niya yung cellphone ko!] Sabi niya habang bakas na bakas sa boses niya yung pagkainis.

"O-oo, sige." Sagot ko pagkatapos ay pinatay ko na agad yung tawag at tinignan ko ulit si Woozi. Inangat naman na niya yung ulo niya kaya kitang-kita ko na yung pisngi niyang basang-basa na ng luha.

Kinuha ko agad yung panyo sa bulsa ko at pinunasan ko yung pisngi niya.

"B-bakit?" Tanong niya habang nakatitig pa siya sakin.

"Ano?" Tanong ko din sakanya habang patuloy pa rin ako sa pagpunas sa pisngi niya.

"Bakit ka nagsinungaling sakanila?" Tanong niya ulit kaya napatigil na ako sa ginagawa ko.

"Malay ko, hindi ko rin alam e." Sagot ko sakanya pagkatapos ay tinignan ko siya sa mga mata niya.

Ang lungkot ng mga ito, parang kahit anong oras ay may tutulo manamang mga luha galing dito.

"Ano bang problema?" Tanong ko sakanya kaya bigla nalang siyang napaiwas ng tingin.

"Wala..." Sagot niya.

"Ano nga? Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi." Sabi ko sakanya kaya napabuntong-hininga nalang siya. Wala naman kasing mangyayari kung magsisinungaling pa siya diba?

"Mahal ko pa rin siya..." Sabi niya kaya natahimik ako bigla. Shet! Mas masakit pala kapag nanggaling talaga sakanya yung mga ganitong salita.

Huminga muna ako ng malalim at pinilit kong pigilan yung mga luhang nagbabadya ding lumabas mula sa mga mata ko.

"At umaasa ka na pupuntahan ka niya dito dahil sinabi mong nag-collapse ka?" Tanong ko sakanya. "Umaasa ka pa rin na pupuntahan ka ni Coups?"

Ngayon naiintindihan ko na ang mga nangyayari. Kinuha niya yung cellphone ni Wonwoo para palabasin na nag-collapse siya at para puntahan siya ni Coups kaso ako ang pumunta kaya siya umiyak.

"A-alam mo?" Tanong niya nang nagtataka.

"Oo." Sagot ko kaya lalong kumunot ang noo niya.

"Pano mo nalaman? Sinong nagkwento sayo?" Tanong niya kaya bumuntong-hininga na ako para aminin sakanya ang totoo.

"Walang nagkwento sakin. Naalala mo yung time na nakuha ko yung diary mo?" Sabi ko sakanya kaya biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Akala ko ba wala kang nabasa?" Tanong niya kaya napayuko nalang ako.

"Nabasa ko." Sagot ko. "At yun lang yung part na nabasa ko, yung part na nagbreak kayo ni Coups."

Natahimik siya bigla. Tumigil na din siya sa pag-iyak habang nakasabunot siya buhok niya.

"Sorry." Ang tanging salita na nasabi ko sakanya.

Bigla nalang siyang tumayo at binigay niya sakin yung cellphone ni Wonwoo.

"Ibalik mo na kay Wonwoo yan." Sabi niya pagkatapos ay umalis na siya at iniwan na niya akong mag-isa dito.

Pagkalabas na pagkalabas niya ng pintuan ay sakto namang pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Bakit ba kailangan mong masaktan ng ganito, Woozi?

Bakit ba kailangang umiyak ka ng umiyak ng dahil sakanya?

Bakit ba hindi mo nalang siya kalimutan at ako nalang ang mahalin mo.

Ako nalang, Woozi. Hindi kita sasaktan at hinding-hindi kita paiiyakin gaya ng ginagawa niya sayo ngayon.

"Tangina mo, Coups. Wala na nga kayo pero napapaiyak mo parin yung taong mahal ko." Sabi ko habang nakakuyom na ang mga palad ko sa sobrang inis.

Sana balang araw, Woozi. Ako naman yung mahalin mo.

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon