110

1.8K 77 78
                                    

[F i n a l  C h a p t e r ~!]


(3rd person's)

"Isang buwan na pala."

"Isang buwan na ang alin, prez?"

"Huh? Uh, wala nevermind."

"Hmm okay, tara hyung uwi na tayo."

"Uh, siguro mauna ka na muna, Chan. May dadaanan pa kasi ako e."

"Sus, pupunta ka lang na naman sa playground e."

Inayos na ni Dino yung mga gamit niya pagkatapos ay dali-dali niyang sinilid ang mga ito sa bag niya.

Lumakad na siya papuntang pintuan ng office nila, palabas na sana siya ng may bigla siyang maalala kaya nilingon niya ulit si Woozi na kasalukuyan na ding nagliligpit ng mga gamit niya.

"Oo nga pala hyung, alam mo bang maghapong hindi pumasok si Hoshi hyung." Sabi ni Dino na ikinakunot lang ng noo ni Woozi, nagtataka siya kung bakit sinasabi ito ng nakababata sa kanya.

"Oh, ano naman?" Tanong ni Woozi ng walang kabuhay-buhay. "Dapat ko pa bang malaman yan?"

Ramdam ni Dino ang pagiging cold ni Woozi kaya napakibit balikat na lang siya pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng office nila.

Napabuntong-hininga naman si Woozi nang makaalis na si Dino. Isinandal niya muna ang katawan niya sa pader habang iniisip niya kung bakit hindi pumasok si Hoshi.

Isang buwan na ang nakakalipas simula nang tuluyan silang maghiwalay pero hindi niya pa rin talaga maiwasang mag-alala kay Hoshi lalo na't napapadalas na yung mga pinapasok nitong gulo.

"Kingina mo, Hoshi. Wala na tayo pero pinag-aalala mo pa rin ako." Bulong ni Woozi sa sarili niya pagkatapos ay hinablot na niya yung bag niya at dali-daling lumabas ng office nila.

Naglakad na siya paalis ng school at agad siyang nagtungo sa isang lugar na lagi niyang pinupuntahan simula ng magbreak sila ni Hoshi, sa playground.

Umupo siya sa isa mga swing at nagpasak siya ng earphone sa tenga niya habang tumutugtog yung paborito niyang kanta.

Hanggang sa isa-isa na namang nagsipatakan ang mga mababaw niyang luha, hindi na siya nag-abala pang pigilan ang mga ito dahil araw araw naman nang nangyayari sa kanya 'to, ang umiyak kapag naaalala niya si Hoshi.

Nilakasan niya ang volume sa cellphone niya para wala na siyang marinig na ingay mula sa paligid.

At dahil dun ay hindi niya namalayan na may mga papalapit na pala sa kanya, nagulat na lang siya nang biglang may nagtakip sa may bahaging ilong at bibig niya dahilan para mahilo siya at mawalan ng malay.

Binuhat naman siya ng dalawang nakaitim na lalaki pagkatapos ay agad nilang ipinasok ito sa loob ng van at dinala ito sa kung saang lugar.

"AAAAAAAAAAHHHHHH!!!"

"TANGINA TIGILAN NIYO NA 'TO!!!"

"PAKAWALAN NIYO SI JIHOON WALA SIYANG KINALAMAN DITO--ARGHHHHHHHHH!!!!"

Nagising si Woozi dahil sa mga palo at sigaw na naririnig niya sa paligid pero wala siyang makita dahil may nakapiring sa mata niya at hindi niya ito maalis dahil nakatali siya sa isang silya.

"S-sino kayo?! A-anong kelan niyo sakin?!" Tanong ni Woozi habang pinipilit niyang itago yung takot na nararamdaman niya sa mga oras na yun.

Hanggang sa may lumapit na isang lalaki kay Woozi at tinanggal ang pagkakapiring nito sa mata.

"Oy Kwon, boypren mo 'to diba?" Sabi nung lalaki at ipinatong niya ang isang kamay niya sa ulo ni Woozi.

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon