24

1.6K 76 7
                                    

(Hoshi's)

"Okay, class dismiss!" Sabi nung teacher namin bago siya lumabas ng classroom.

"BREAKTIME NAAAAA!!!" Sigaw ni DK at Seungkwan pagkatapos ay nagtatatalon pa sila sa tuwa na para bang nanalo sila sa lotto.

Binitbit na nila yung mga bag nila at nagmadali na silang lumabas ng classroom. G na G ang mga gago.

Bigla namang nahagip ng mata ko si Coups na nagmamadi ding lumabas ng room pero hindi naman kasama si Jeonghan. Ang weird nga kasi kanina pa sila hindi nagpapansinang dalawa e.

Napailing-iling nalang ako at inayos ko nalang yung mga gamit ko pagkatapos ay lumabas na rin ako pero hindi para kumain. Hinahanap ko kasi si Woozi dahil hindi siya pumasok ng subject before breaktime pero andito siya kaninang first subject.

Dumiretso na agad ako ng SVT Office dahil wala na akong ibang alam na pupuntahan niya bukod dito.

At tama nga ako! Nandito siya dahil sa labas palang ng office ay naririnig ko na yung boses niya at mukhang may kausap siya sa loob.

Nilapit ko yung tenga ko sa pinto para makinig sa usapan nila.

"Anong pag-uusapan natin, Coups?" Tanong ni Woozi.

Naikuyom ko nanaman ang mga palad ko nang malaman kong siya ang kausap ni Woozi sa loob.

"Tungkol sa ginawa mo nung isang araw." Sagot ni Coupal.

At nahimik naman sila ng ilang segundo na para bang nagpapakiramdaman kung anong isasagot nila sa isa't-isa.

"Ah yun ba?" Tanong ni Woozi na bumasag sa katahimikan nila. "Pasensya na. Masyado lang akong pagod nun kaya hindi ko na alam kung ano yung mga pinaggagagawa ko."

May narinig akong mga yapak na parang lumalayo, siguro si Woozi yun.

"Hindi ka pa rin ba nakakamove on sakin? satin?" Tanong bigla ni Coups kaya mas lalo kong dinikit yung tenga ko sa pinto.

"Ano?"

"Alam kong gusto mo akong puntahan ka sa clinic nung araw na yun. Pupunta naman talaga dapat ako nun e kaso nakita ko si Wonwoo na aligagang naghahanap ng cellphone niya and then we found out na kinuha mo pala, para palabasin na nag-collapse ka."

"So kaya hindi mo ako pinuntahan dahil hindi naman talaga ako nagcollapse? Kailangan ko pa ba talagang mag-collapse para magkaroon ka ulit ng pake sakin?!"

"That's not the point! Bakit mo ba kasi kailangang gumawa ng kwento?!"

"Para pansinin mo ako! Dahil wala ka namang inatupag kundi si Jeonghan. Puta! Hindi mo na ba talaga susundin yung rule #5?"

"Alam mong walang kami! Sinusunod ko hanggang ngayon yang peste mong rule dahil nirerespeto ko ang pagiging presidente mo pero kasalanan ko bang hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko para sakanya?"

At muli ay natahimik nanaman sila.

"Isang taon at mahigit na tayong break Jihoon." At this time, si Coups naman ang bumasag sa katahimikan nila. "Umaasa ka pa rin ba satin?"

"Pano kung sabihin ko sayong oo?" Sagot ni Woozi na paulit-ulit na tumutusok sa puso ko. Bakit ganito? Bakit parang gusto ko nanamang umiyak?

"Hindi mo ba talaga bubuksan yung puso mo para sa iba? Maraming nagmamasid sayo dyan sa tabi-tabi, umaasang sana sila nalang ang mahalin mo." At nagulat ako sa sinabing yun ni Coups.

Anong ibig niyang sabihin? Hindi kaya alam na niyang may gusto ako kay Woozi?!?!

"Wag mo na akong pangaralan." Sagot ni Woozi sa sinabi niya.

"Tama na, Jihoon. Mahal kita pero hanggang magkaibigan nalang tayo. Hindi kita bibitawan kagaya ng pangako ko sayo nung tayo pa, gusto pa rin kitang makasama pero bilang bestfriend nalang." Sabi ni Coups kaya may narinig na akong humihikbi sa loob, malamang si Woozi nanaman 'to.

"C-cheol pls," Nanginginig na yung boses ni Woozi habang umiiyak pa rin. "Bumalik ka na sakin...utang na loob...mahal na mahal kita..."

At dahil dito ay napahawak na ako sa doorknob.

"Jihoon..."

Pagkatapos ay binuksan ko na yung pinto at pumasok na ako sa loob kaya nagulat silang dalawa sa ginawa ko.

"Hala! Anong meron?" Tanong ko na para bang wala akong alam sa nangyayari. "Pasensya na Coups pero pwede ko bang makausap si Woozi sandali?"

Tumango lang naman si Coups at tahimik nang lumabas ng office.

Naglabas nanaman ako ng panyo para punasan ang mga luha ni Woozi. Tangina naman! Eto nalang ba lagi ang role ko sa buhay mo Woozi? Ang magpunas ng luha mo sa tuwing umiiyak ka dahil sakanya. Pangatlo na 'to ha!

"Magpasalamat ka sakin ha." Sabi ko sakanya kaya napatingin siya sakin nang nagtataka.

"At bakit?" Tanong niya ng nakakunot-noo.

"Kung hindi ako dumating malamang masasaktan ka lalo sa isasagot niya sayo." Sagot ko sakanya kaya napangiwi siya sa sinabi ko.

"Wag ka ngang pa-super hero dyan! Sanay na akong masaktan, manhid na 'to." Sabi niya sabay turo sa tapat ng puso niya.

"Pwes, ako hindi kita sasanayin." Bulong ko sa sarili ko, buti nalang hindi niya naintindihan.

"Ano?" Tanong niya.

"Wala! Ang sabi ko wag mo na ulit gagawin ang magmakaawa para lang balikan ka niya. You deserve someone better!" Sabi ko pagkatapos ay nagwink pa ako.

You deserve someone better, Woozi. You deserve me!

"Dami mong alam." Sabi niya pagkatapos ay aalis na sana siya pero hinawakan ko yung isang kamay niya para pigilan siya.

Napatingin naman siya sa kamay naming magkahawak pagkatapos ay tinignan niya rin ako ng nakataas ang isang kilay.

"Kain muna tayo. Libre ko!" Sabi ko sakanya pagkatapos ay hinila ko na siya palabas.

Well, hindi niya naman inagaw yung kamay niya sakin kaya magkahawak kamay pa rin kaming naglakad papuntang canteen.

I smell forever guys! Hihihihi.

😊😊😊

---

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon