50

1.6K 66 30
                                        

(Jihoon's)

"Good morning po." Bati ko dun sa nanay ni Hoshi na halos katatapos lang kumain.

Napatingin siya sakin pagkatapos ay napatingin din siya kay Hoshi habang may malawak na ngiti sa labi niya.

"Ikaw ba si Woozi? Halika, kumain ka muna." Sabi niya pagkatapos ay kumuha pa siya ng isang pinggan at nilagay ito sa hapag kainan.

Tatanggi sana akong kumain pero dahil tinulak ako ni Hoshi paupo sa dining ay napilitan na rin akong kumain.

Umupo si Hoshi sa tabi ko pagkatapos ay umupo yung nanay niya sa harap ko habang tinitignan niya kaming kumain nitong abnormal niyang anak.

"Kumain ka nga ng madami, Woozi!" Sabi ni Hoshi pagkatapos ay dinagdagan niya pa yung kanin na nasa pinggan ko.

"Ayoko ano ba! Hindi ko mauubos yan." Inis na sabi ko sakanya pagkatapos ay nilagay ko sa pinggan niya yung mga kanin na nilagay niya sa pinggan ko.

"Cute nga siya 'nak." Biglang sabi ng nanay ni Hoshi, muntik pa tuloy akong mabulunan.

"Sabi ko sayo ma e." Sagot naman ni Hoshi.

Nginitian ko nalang yung nanay niya at pasimple kong sinipa yung paa niya sa ilalim ng lamesa.

"ARAY!!!" Sigaw ni Hoshi kaya napatingin yung nanay niya sakanya.

"Bakit?"

"Wala ma, parang may kumagat paa ko e." Sagot niya kaya napatango nalang yung nanay niya.

"Anyway Woozi, ano namang nagustuhan mo dito sa anak ko?" Tanong ng nanay niya na ikinagulantang ko.

"PO?!"

"Bakit naman parang nagulat ka? Hindi ba kayo na ni Hoshi kaya tinatanong ko kung anong nagustuhan mo sakanya." Sabi ng nanay ni Hoshi kaya napatingin ako kay Hoshi na parang nagulat din sa sinabi ng nanay niya.

"Ma hindi ko sinabing kami na!" Sabi ni Hoshi pagkatapos ay napakamot nalang siya ng ulo.

"Akala ko ba siya yung sinasabi mong mahal mo."

"Oo nga ma pero hindi kami."

"Ah ganun ba? Pasensya na Woozi ha, akala ko kasi boyfriend mo na 'tong anak ko. Lagi ka kasing bukambibig nito." Sabi ng nanay niya kaya medyo natawa nalang ako.

"Talaga po?"

"Oo! Madalas ko ngang marinig na lagi niyang binabanggit yung pangalan mo pati sa pagtulog niya."

Napangiti nalang ako sa sinabi ng mama niya. Alam ko na yun e! Saksi pa nga ako diba?

"Woozi," Napatingin ako sa mama niya. "Kelan mo naman sasagutin 'tong si Hoshi?"

"MA?!?!"

Napaubo nalang tuloy ako sa sinabi ng nanay ni Hoshi.

"Bakit ba?! Hindi ka pa ba nanliligaw?" Tanong niya sa mataas na tono.

"HINDI PA MA!" Inis din na sagot ni Hoshi.

"Kelan ka manliligaw?!"

"E bakit ka ba nangingialam?! Sabi mo gusto mo lang siyang makilala ah, bakit may pa-interview na ngayon?!"

"Masamang magtanong?"

"Ewan ko sayo ma." Tumayo na so Hoshi pagkatapos ay hinawakan niya ako sa wrist. "Halika na nga, Woozi."

rule #5 • soonhoon auTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon