(3rd person's)
Napatayo agad si Hoshi mula sa pagkakahiga nang maka-receive siya ng message galing kay Woozi, sa mama ni Woozi actually.
Matutuwa na sana siya dahil dalawang araw na silang hindi nagkikita ni Woozi, at nawalan din sila bigla ng communication, nahuli kasi sila ng mama ni Woozi na magkasama nung araw na pumunta si Hoshi sa bahay nila at ayun na ang huling pagkikita nila.
Napasabunot na lang si Hoshi sa sariling buhok habang iniisip kung sisiputin niya ba yung mama ni Woozi slash kabit ng papa niya.
Ayaw niya din kasi sanang makita ito dahil kahit nanay pa ito ng taong mahal ay hindi pa rin mababago ang katotohanang naging kabit ito ng papa niya at naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila.
Pero wala naman siyang ibang iniisip ngayon kundi si Woozi.
Gustong-gusto na niyang malaman kung nasaan si Woozi at hindi niya malalaman yun kung hindi siya makikipagkita sa nanay nito.
"Kung hindi lang dahil kay Woozi hindi kita kakausapin." Bulong ni Hoshi habang nagta-type ng reply sa cellphone niya.
Matapos niyang reply-an ang mama ni Woozi ay nagmadali na rin siyang pumunta ng xx café at mabilis niya din namang nakita ito pagkadating niya.
Lalapit na sana siya nang biglang may humarang sa kanya at nang tignan niya ito ay nakita niya si Mingyu na naka-duty pala ng mga oras na yun sa café.
"Uy hyung! Bat andito ka? Bat hindi ka pumasok kahapon? At ano na pa lang nangyari kay Jihoon hyung? Dalawang araw na siyang hindi pumapasok ah! Sabihin mo nga hinahanap na siya ni Coups hyung dahil andami niya daw aayusin na papeles org!"
"Kung alam ko lang kung nasan si Jihoon edi sana hindi na ako makikipagkita ngayon sa nanay niya."
"Huh?"
"Ayun yung nanay niya oh." Sabi ni Hoshi habang tinuturo yung direksyon kung saan nakaupo ang mama ni Woozi. "Gusto daw akong makausap e."
"Tangina baka type ka niya hyung, kamukha mo kasi yung tatay mo e."
"Ulul! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo."
"Joke lang naman hyung pero kapag may ginawa siya sayo tawagin mo ako ha, nandun lang ako sa may kitchen."
"Oo na dami mong alam di ka naman naliligo."
"Gago! Sige na, puntahan mo na yung mother in law mo." Sabi ni Mingyu kaya tumango na lang si Hoshi.
Huminga muna siya ng malalim bago tuluyang lumapit sa mama ni Jihoon pagkatapos ay tahimik siyang umupo sa harapan nito.
Tinignan lang naman ng mama ni Woozi si Hoshi habang nakataas pa ang isang kilay nito na para bang hinahamak ang isang Kwon Soonyoung.
"Anong sadya mo po sakin?" Tanong agad ni Hoshi nang mapansin niya ang nakakainsultong tingin ng mama ni Woozi sa kanya.
Ayaw na sanang respetuhin ni Hoshi ang mama ni Woozi dahil para sa kanya ay hindi naman ito karespe-respeto kaso nga nanay pa rin yun ni Woozi at gusto niyang ipakita na may manners siya kahit na mama niya lang ang nagpalaki sa kanya.
"Didiretsuhin na kita hijo ha kasi gusto kong lubayan mo na si Jihoon dahil tutol ako sa relasyon niyong dalawa." Sagot naman ng mama ni Woozi.
Naikuyom na ni Hoshi ang kamay niya at handa na siyang manapak ng tao pero pinigilan niya pa rin ito sa kabila ng sobrang pagkainis niya sa mga pinagsasasabi ng nanay ni Woozi.
"Bakit ko naman gagawin yun? Bigyan mo ako ng maayos na dahilan para gawin yun."
"Hijo, baka mawindang ka lang kapag nalaman mo yung dahilan, kaya kung ako sayo 'wag mo nang alamin."
"Pwes, hindi ko lalayuan si Jihoon! Pasensya na po pero masyado kong mahal yung anak niyo at hindi ko siya lalayuan kahit tutol pa kayo."
"Magkapatid nga kayo, pareho kayong matigas ang ulo." Sabi ng nanay ni Woozi habang umiiling-iling pa.
Napakunot naman ang noo ni Hoshi dahil sa narinig niya, nagtataka siya kung bakit sinabi yun ng mama ni Woozi sa kanya.
Magkapatid?
"Oh, bakit hijo? Hindi mo ba alam na may kapatid ka sa ama? Hindi ba nabanggit sayo ng mama mo na may anak kami ng papa mo?" Tanong ng mama ni Woozi kay Hoshi na naguguluhan pa rin.
"At gusto mo bang malaman kung nasan yung kapatid mo na yun?"
"Ayun, kinulong ko sa bahay dahil pinipilit makipagkita sayo."
"Soonyoung, magkapatid kayo ni Jihoon sa ama."
Imposible.
"Bakit ako maniniwala sayo?" Tanong ni Hoshi na pilit nilalakasan ang loob kahit na parang gusto nang kumawala ng puso niya sa katawan niya dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.
"Because I have proofs."
Kinuha ng mama ni Woozi ang isang envelope na nakalagay sa bag niya at inabot niya ito kay Hoshi.
"Ano yan?"
"Patunay na magkapatid kayo ni Jihoon."
Nagdalawang isip muna si Hoshi bago buksan ang envelope, ayaw niyang maniwala pero andami kasing tanong sa isip niya na gusto niyang masagot.
At sa huli ay binuksan niya rin ito at tumambad nga sa kanya ang isang birth certificate at ang napakaraming pictures ng papa niya na may bitbit na baby.
"K-Kwon...Jihoon?" Tanong ni Hoshi sa sarili niya habang titig na titig pa rin siya sa birth certificate na nasa harapan niya ngayon.
"Oh ano? Naniniwala ka na o kailangan mo pa ng maraming patunay na magkapatid talaga kayo?"
At halos hindi na makagalaw si Hoshi sa pagkagulat dahil sa mga naririnig niya hanggang sa unti-unti nang nagtubig ang mga mata niya at isa-isa nang nagsituluan ang mga luha niya.
Ayaw niyang maniwala dahil mahal niya si Jihoon, mahal na mahal pero kung ganitong magkapatid naman pala sila ay hindi talaga sila pwede.
"HOSHI 'WAG KANG MANINIWALA SA MGA SINASABI NIYA! SINUNGALING YAN!"
---
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English