Yoon Jeonghan
active nowYoon Jeonghan: Ji?
seen
Lee Jihoon is typing...
Lee Jihoon: Bakit?
Yoon Jeonghan: Nandyan ka pa kila Coups?
Lee Jihoon: Oo.
seen
Lee Jihoon: Selos ka?
Lee Jihoon: Wag kang mag-alala, wala naman kaming ginagawang masama ng boyfriend mo.
Lee Jihoon: :)
seen
Yoon Jeonghan is typing...
Yoon Jeonghan: Oo, alam ko :)
Yoon Jeonghan: Nasabi naman sakin ni Coups kung bakit ka nandyan e.
Yoon Jeonghan: Pero alam ba ni Hoshi na nandyan ka ngayon?
seen
Lee Jihoon is typing...
Lee Jihoon: Hindi e.
Lee Jihoon: Wag mo na lang munang sabihin baka mag-alala pa kasi yun.
Yoon Jeonghan: Lalong mag-aalala yun kapag di mo sinabi.
Lee Jihoon: Hindi niya na kailangang malaman pa, Han.
Yoon Jeonghan: Bakit naman?
Yoon Jeonghan: Boyfriend mo siya Jihoon at may karapatan siyang malaman ang mga nangyayari sayo.
seen
Lee Jihoon is typing...
Lee Jihoon: May sarili siyang problema at ayoko nang idagdag pa yung problema ko.
seen
Yoon Jeonghan is typing...
Yoon Jeonghan: Yung totoo, aware ka bang may relasyon kayo ni Hoshi?
Lee Jihoon: Luh gago malamang.
Yoon Jeonghan: Ayun naman pala e!
Yoon Jeonghan: E bakit parang pinagdadamutan mo siya ng karapatan niya sayo?
seen
Yoon Jeonghan: Hindi maganda sa isang relasyon ang naglilihim sa isa't-isa.
Yoon Jeonghan: Maniwala ka, pwedeng ikasira ng relasyon niyo yang mga simpleng lihim na yan.
Yoon Jeonghan: Bahala ka kung magsasabi ka ng totoo o ipagpapatuloy mo yang ginagawa mo, ikaw din baka makasanayan mo yan.
Yoon Jeonghan: At baka dyan pa mag-ugat ang break up niyo.
seen
Lee Jihoon is typing...
Lee Jihoon: Oo na tangina nanakot ka pa!
Yoon Jeonghan: Natakot ka naman?
Lee Jihoon: Malamang ayoko siyang mawala e.
Yoon Jeonghan: Ayaw mo pa lang mawala pero naglilihim ka!
Lee Jihoon: Sasabihin ko na nga mamaya diba?
Lee Jihoon: Happy ka na?
Lee Jihoon: Psh!
Lee Jihoon: Para kang si Coups manermon e.
seen
Yoon Jeonghan is typing...
Yoon Jeonghan: Ganun talaga hahahaha.
Yoon Jeonghan: Ayaw lang namin matibag ang #SoonHoon ♡
Yoon Jeonghan: Kasi ayaw naming magbreak kayo.
seen
Lee Jihoon is typing...
Lee Jihoon: Hoy, hindi kami magbe-break!
Lee Jihoon: Dahil nangako kami sa isa't-isa na mananatili kami sa relasyon na ito kahit na ano pang mangyari.
---
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English