(Hoshi's)
Umaga na pala.
At wala pa akong tulog dahil inaantay kong magising si Jihoon pero hanggang ngayon wala pa rin siyang malay pero sabi naman ng doctor anytime naman daw ngayon magigising na siya.
Humikbi na naman ako dahil gusto ko na namang umiyak. Hindi ko nga alam kung bakit may naiiyak pa ako ngayon, e halos maubos na ang luha ko kagabi kakaiyak.
Putangina kasi takot na takot talaga ako habang pinapanood kong sinasaksakan siya ng doctor ng kung ano-anong aparato kagabi.
Di ko na nga alam kung anong gagawin ko at hindi ko kakayanin kung sakaling may mangyaring masama sakanya.
Huminga muna ako ng malalim pagkatapos ay hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya habang nakatingin ako sa mukha niyang cute.
"Jihoon, mahal na mahal kita."
Pinilit kong pigilan ang mga nagbabadya kong luha pero ang kulit nila dahil isa-isa na naman silang naglabasan mula sa mata ko.
"Hindi ko alam kung bakit mo ginawa to pero sana wag mo nang ulitin kasi kung sakaling mawala ka, hindi ako magda-dalawang isip na sundan ka agad."
Kasi ano pang gagawin ko dito kung wala ka na diba?
You're my everything, Lee Jihoon.
"Sorry nga pala kung nawala ako ng dalawang araw sa tabi mo, dapat talaga hindi ko na dinamdam yung hindi mo pagsipot mo sakin kasi siguro hindi mangyayari to kung nasa tabi mo ako nung mga oras na yun."
Wala na akong ibang magawa kundi ang magsisi na lang, nagsisisi ako dahil nawala ako sa tabi niya nung oras na kailangan niya ako.
Maya-maya ay bigla na lang bumukas ang pinto kaya agad kong pinunasan yung mukha kong basang-basa ng luha.
Pumasok naman yung nurse pagkatapos ay inabot niya sakin yung papel na dala niya.
"Sir, kailangan niyo pong bilhin itong mga gamot na ito sa pharmacy sa may baba."
Tumango naman ako pagkatapos ay kinuha ko yung papel na inaabot niya.
"Salamat." Sabi ko sakanya pagkatapos ay umalis rin naman siya agad.
Tumayo na ako at binitawan ko na muna yung kamay ni Jihoon.
"Alis lang ako saglit, Jihoon."
Hinalikan ko muna siya noo bago ako lumabas ng kwarto niya at bumaba papunta sa pharmacy.
Kaso parang ang malas ko ngayon dahil medyo mahaba yung pila.
Pambihira naman!
Naghintay ako ng halos 30 minutes bago ako nakabili ng gamot pagkatapos ay dumaan na rin ako sa bilihan ng pagkain para kung sakaling magising na si Jihoon ay may makakain na agad siya.
DIBALENG MAGUTOM AKO WAG LANG SIYA!
Umakyat na ako ulit at bumalik sa kwarto niya pero nanlaki talaga ang mga maliliit na mata ko nang makita kong wala si Jihoon sa loob.
Tangina gising na si Jihoon.
PERO ASAN SIYA?!?!?!?!
Tumakbo ulit ako pababa at nagpunta agad ako sa mga nurse at swerte ko nang makita ko yung nurse na pumasok kanina sa kwarto ni Jihoon.
"Miss, nakita niyo po ba yung lalaking nasa rm 304?" Tanong ko habang hingal na hingal pa ako sa kakatakbo.
"Ah, si Mr. Lee Jihoon ba? Nagpunta lang sa garden, nagpaalam naman siya kay doc."
![](https://img.wattpad.com/cover/85113276-288-k563920.jpg)
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Historia CortaIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English