(3rd person's)
Natapos na ang klase nila DK kaya naman tinawag na niya sila Vernon, Dino, The8, Wonwoo at Mingyu pagkatapos ay nagmadali na silang lumabas ng classroom nila dahil pupuntahan pa nga nila si Hoshi.
At habang naglalakad sila papunta sa gate ay bigla nilang nakita sila Coups at Jeonghan sa di kalayuan na nagmamadali din sa paglalakad.
"Coups at Jeonghan hyung?"
Sinundan nila ito ng tingin at nakita nilang pumunta yung dalawa sa likod ng isang building.
Nagkatinginan silang anim na pare-parehas na nakakunot-noo habang nagtataka.
"Bakit kaya sila pumunta dun?" Tanong ni Mingyu sa mga kasama niya pero nagkibit-balikat lang sila.
"Baka may pag-uusapan lang?" Sagot ni DK pero hindi rin naman siya sigurado sa sinabi niya.
"Come to think of it, ngayon lang ulit sila nag-usap." Sabi ni Vernon kaya napatingin ang lahat sakanya.
May point siya kasi parang may nangyayaring mali e!
"Tsaka bakit ganun? Dikit na ng dikit si Coups hyung kay Woozi hyung." Sabi ni Dino pagkatapos ay napahawak pa siya sa baba niya habang nag-iisip ng sagot sa tanong niya.
Natahimik silang anim at napaisip kung ano ang pwedeng maging dahilan sa mga kinikilos ni Coups.
"ALAM KO NA!" Sigaw ni Wonwoo na ikinagulat naman ng mga kasama niya. "Hindi kaya makikipag-break na si Coups kay Jeonghan kasi makikipag-balikan na ulit siya kay Woozi?!"
"ANO??!?!" Sabay-sabay na sigaw nila kaya napapatingin na lang yung ibang estudyante sakanila dahil mukha silang gago na magbubulungan tapos magsisigawan sa gitna ng daan.
"Oh no no no! Hindi sila pwedeng magkabalikan dahil masisira ang HoshixWoozi natin." Sabi ni The8 pagkatapos ay naikuyom niya nalang ang palad niya sa inis.
"Oo nga! Anong gagawin natin?" Tanong ni Vernon.
"Tara! Sugurin natin si Coups hyung." Sabi naman ni Mingyu na sinang-ayunan naman ng mga kasama niya.
Agad din silang pumunta sa likod ng building kung nasaan sila Coups at Jeonghan.
"Ayun sila!" Turo ni DK nang makita niya ang dalawa habang nagtatago sila sa likod ng isang pader.
Nasa isang sulok naman sila Coups at Jeonghan, seryoso ang mga mukha nila at mukhang may malalim silang pag-uusapan.
"Hindi mo na ba ako mahal, Seungcheol?"
"Mahal na mahal kita, Yoon Jeonghan."
"E bakit ka nakikipagbalikan kay Jihoon?"
"Hindi ako nakikipagbalikan sakanya! Wala na akong feelings kay Jihoon."
"E bakit ganun? Mas madalas mo pa siyang kasama kesa sakin!"
"Ikaw din naman e! Lagi mong kasama si Joshua."
"Nagseselos ka kay Joshua?!"
"Ano ba sa tingin mo, Han? Kaya nga ako lapit ng lapit kay Jihoon para agawin yung atensyon mo mula kay Joshua!"
"So, all this time pinagseselos mo lang pala ako? At talagang ginamit mo pa si Jihoon!"
Nagulat ang anim dahil hindi yun ang inaasahan nilang marinig. Ang akala nila ay makikipagbreak si Coups kay Jeonghan para kay Jihoon pero mali sila dahil mas malala pa pala ito kesa sa naisip nila.
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Short StoryIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English