[DAY 1]
(3rd person's)
"Hoy, akin na yang mga cellphone niyo."
At talagang inisa-isa nila Coups at Jeonghan na pasukin ang tent ng mga members para lang kolekatahin ang mga cellphone nila.
Pagkatapos ay nilalagay nila ang mga ito sa isang box na may passcode para walang ibang makakapagbukas nito kundi silang dalawa lang.
Nakuha na nila halos lahat ng mga cellphone maliban na lang kila Dino at Woozi na hindi pa nila napapasok ang tent.
"Tingin mo ba ibibigay ni Jihoon yung cellphone niya?" Tanong bigla ni Jeonghan kay Coups.
Medyo naga-alangan kasi siya sa ugali ni Woozi at alam niya kung gaano katigas ang ulo nito.
"Ipapalunok ko sakanya yung cellphone niya kapag di niya binigay." Sagot naman ni Coups kaya natawa na lang si Jeonghan.
Kung may tao man kasing papantay sa katigasan ng ulo ni Woozi ay si Coups yun.
Hanggang sa pinasok na nila yung tent nila Dino at Woozi, naabutan naman nila yung dalawa dun na sarap na sarap pa rin sa pagtulog habang yung ibang members ay gising na gising na at kasalukuyan nang nagluluto ng pagkain nila.
"Hoy punyeta kayong dalawa gumising na nga kayo!" Inis na sabi ni Coups kaya agad naman na tumayo si Dino pero si Woozi ay nanatili lang sa higaan niya.
May forever daw kasi sila ng sleeping bag niya :(
"Lee Jihoon." Sabi ni Coups at pilit niyang pinapa-kalma ang sarili dahil alam niya naman na si Woozi talaga ang pinaka-mahirap na gisingin sa kanilang lahat.
Hindi pa rin tumayo si Woozi kaya kaya huminga na ng malalim si Coups, kinuha niya yung isang water bottle na nakita niya pagkatapos ay ininom niya ito pero binuga niya ang laman sa mukha ni Woozi.
Agad namang bumangon si Woozi na habang pinupunasan niya ang nabasa niyang mukha.
"TANGINA ANG BABOY MO BWISIT KA!" Sigaw niya kay Coups na may kasama pang sapak.
Napa-aray lang si Coups pero hindi na niya ininda yun at inilahad na lang niya ang palad niya sa harapan ni Woozi.
"Akin na cellphone mo."
Hindi nagsalita si Woozi pero hindi niya rin naman ito binigay kaya hinablot na ni Coups ang cellphone niya pero hinablot niya rin naman ito pabalik.
"Akin na sabi yang cellphone mo e!"
"May hinihintay akong tawag, Coups!"
"Wala akong pake."
"Mahalagang tawag yun."
"Wala pa rin akong pake."
"Tangina mo ba? Sabing---"
"Kanino bang tawag yung hinihintay mo?!"
"Sa ano, sa head ng culture and arts."
"Alam nilang may camping tayo ngayon kaya hindi sila tatawag!"
"Ah talaga? Alam ko yung isang member ng music dep---"
"Wala kang number sa mga taga-music department dahil ako ang naka-assign sakanila."
"Putangina."
"Ano? Wala ka nang madahilan?"
"Basta kasi! May hinihintay akong tawag na di ko pwedeng sabihin."
BINABASA MO ANG
rule #5 • soonhoon au
Historia CortaIn which Hoshi joined an organization under the management of his ultimate crush, Lee Jihoon. Date Started: January 17, 2017 Date Ended: October 18, 2017 Languange: Filipino and English