#TTBWBMH
***
Holding hands while walking. Masayang nag-uusap habang nagtatawanan. Tapos kapag walang naka-tingin, magnanakaw ng halik sa isa't-isa. Iyong okay na ang lahat basta magkasama araw-araw. Na kahit anong humadlang, hindi matitibag.Sila iyon ngayon pero kami dapat iyon. Ako dapat iyong babae na ka-holding hands niya. Ako dapat iyong babaeng kausap niya at katawanan. Ako dapat iyong nagnanakaw ng halik sa kaniya kapag walang naka-tingin. Ako dapat iyong ninanakawan niya ng halik. Ako dapat iyong kasama niyang humarap sa mga pagsubok kung saan hindi kami matitibag.
Pero bumitiw siya. Binitawan niya ako noong mga panahon na kailangang-kailangan ko siya. Binitawan niya ako nung oras na wala akong ibang makakapitan kung hindi siya. Binitawan niya ako at hinayaang bumagsak, madurog at magkasira-sira.
"Hoy Herrica! Umiiyak ka na naman?" Puna ni Mitchie sakin.
"Hindi. Okay lang ako. Teka, cr lang ako."
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tumayo na ako at dumiretso sa cr. Mabuti nalang at walang tao. Busy kasi sila lahat mag-party. Bakit ba kasi sumama pa akong mag-bar? Hindi naman ako pala-inom at mahilig sa mga ganitong bagay.
Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi naman ako pangit pero hindi rin kagandahan. Sakto lang. Hindi rin ako matangkad dahil 5'5" lang ako pero kahit naman papaano ay may hubog ang katawan ko.
"Ate Herrica? Oh my God! Ikaw nga!"
Hindi pa ako nakakahuma ay niyakap na ako ni Shanna. Bakit ba ang liit ng mundo? Kung sino pa iyong mga taong iniiwasan mo ay siya mo namang makakabunggo?
"I heard what happened. Kuya's such an ass for doing that! I'm so sorry, Ate Herrica." Apologetic na sabi ni Shanna.
She's younger but we have the same built already at hamak na mas maganda. Well, halos buong lahi naman nila ay wala kang itulak-kabigin. Wala yatang maipipintas sa kanila when it comes to looks.
Ngumiti ako ng tipid. "I'm fine, Shan. I'm getting over with Twain. It's hard but I have to keep going and move on."
Dahil ayoko ng makipag-usap pa ng matagal ay binilisan ko ang pag-aayos. Ayokong makakita ng kahit ano o kahit sino na magpapaalala sa akin kung paanong basta nalang ako binitawan ni Twain. After all this years, ganun-ganun na lang niya ibinasura ang lahat ng pinagsamahan namin. Tapos ngayon, ang saya-saya na niya habang ako, parang robot nalang na humihinga.
Hindi ko na inintay na lumabas si Shanna sa cubicle. Basta nalang ako lumabas doon ng walang pasabi.
"Okay ka na?" Halos pasigaw na tanong na ni Mitchie sakin pagbalik ko. Draco eyed me too, worried.
Nag-thumbs up ako at ngumiti. Ang lakas ng music, nakakatamad sumigaw.
Mabuti pa sila, going strong. Samantalang ako, six months ng miserable. Quotang quota na ako sa pagmumukmok at pag-iyak. Bakit kasi di nauubos ang sakit? Pati ang luha hindi rin maubos-ubos.
Inabot ko iyong martini at nilagok. Pang-apat ko na yata iyon? Hindi ko na matandaan pero parang umiinit na ang pakiramdam ko. Hindi kasi talaga ako sanay uminom.
"Herrica," kalabit ni Mitchie at may itinuro siya sa akin na matangkad na lalaki. "Remember Kaizer Lachapelle? Iyong ang napangasawa ay ang best friend slash childhood sweetheart niya na si Zaren Evaristo ng Evaristo Modeling Company?"

BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...