Stronger than Before 40:
We decided to hold our wedding private. Actually, ako lang ang may gusto noon. Si Lyndon kasi ang unang ikakasal sa mga Madrigal na lalaki kaya ang gusto talaga nila ay gawing enggrande at isapubliko.
Pumayag silang maging pribado ang kasal pero nasobrahan naman yata sa pagiging enggrande dahil sa isang cruise ship ginanap ang kasal namin with only two hundred or so visitors na pulos kaibigan at kamag-anak. Everyone stayed on the cruise ship even after out wedding day. Kami naman ni Lyndon ay lumipat sa isang yate para makadaong sa pinakamalapit na port at pagkatapos ay dumiretso na sa airport para sa aming honeymoon.
We stayed in France for three days and visit one of the biggest port in Sicily before we went to Maldives kung saan talaga ako nag-enjoy kaya noong pagbalik namin sa Pilipinas, sobrang tan na ng balat naming ni Lyndon.
"Wala pa rin ba?" Ani Lyndon na pumulupot ang mga braso sa beywang ko mula sa likod. His face landed on my neck, kissing it.
I tilted my head, giving him more access. Sa mga ganitong pagkakataon ay hinahayaan ko talaga si Lyndon. He wanted so bad to have another baby. It's been almost a year pero wala pa rin kaming nabubuo. Minsan tuloy ay naiisip ko na baka si Kaius lang ang para sa amin.
"Lyndon," halos bulong ko ng sambit. Hindi ko alam ang isasagot ko sa tanong niyang iyon. Hindi ko rin alam kung paano ko aaluin si Lyndon.
Since we got married, Lyndon became more attentive to me and his son. Pakiramdam ko talaga ay sobra-sobra si Lyndon para sa akin tapos ngayon, isang bagay lang ang gusto kong ibigay sa kaniya na gustong-gusto niya ay hindi ko pa maibigay.
"Matulog na tayo. Alam kong pagod ka sa pagtulong sa preparasyon ng birthday ni Deth-deth." Aniya at iginiya na ako sa kama namin.
He was sitting on our bed while leaning on the headboard. Ang isang kamay ay nakatukod pa sa unan para pangsuporta upang hindi siya tuluyang makahiga habang ang isang kamay niya ay mahigpit kong hawak na nagpabaling sa kaniya sa akin.
"Halos isang taon na tayong sumusubok, Lyndon." Isang butil na luha ang mabilis na naglandas sa pisngi ko na sinundan pa ng isa mula sa kabilang mata ko naman hanggang sa nagtuloy-tuloy na iyon.
"Its fine, baby we still have a lot of time for it. Hindi natin kailangang magmadali." Aniyang marahan akong pinaupo sa pagitan ng mga hita niya at pinsandal sa kaniyang dibdib.
I have so many thoughts about this thing.
Paano kung hindi ko na mabigyan ng anak si Lyndon?
Paano kung maghanap siya ng iba na kayang kaya siyang bigyan ng malaking pamilyang gusto niya?
Paano kung dahil sa hindi ko siya mabigyan ng isa pang anak ay bigla siyang manlamig sa akin at iwan ako? Makakaya ko pa kayang bumangon muli?
"Don't think about me, leaving you because of this, Herrica." Bulong niyang tila nabasa ang tumatakbo sa isip ko.
Lalo akong napaiyak. How can he be so understanding?
Humarap ako sa kaniya habang patuloy na umiiyak.
"Simpleng babae lang ako Lyndon and having you was too much for me. Sobrang perpekto mo na para sa akin. You've given me everything and yet, hindi ko man lang maibigay ang pinakagusto mo."
"Baby, you have given me enough. Having you was enough. Giving me Kaius makes me more than happy and thankful." He kissed the tip of my nose. "I didn't marry you just because I wanted you to bear my child, baby."
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...