Chapter 25

15.4K 423 20
                                    


#TTBWBMH25:


I hurriedly went inside the bathroom and saw Lyndon in front of the broken mirror. Ang isa niyang kamay ay nakatukod sa salamin sa harap niya habang ang isa ay nasa gilid niya. drops of blood were coming out from his hand. And he only has a towel wrapped on his waist.


"Lyndon..." ilang hakbang mula sa kaniya ay tinawag ko siya.


Isa, dalawa, hanggang limang hakbang pa ang ginawa ko bago ko siya tuluyang nalapitan ng dahan-dahan. Natatakot ako sa Lyndon na nasa harapan ko ngayon pero nananaig sa akin ang kagustuhang tulungan siya at humingi ng tawad.


"Why, Herrica?" he said, still facing the mirror. Mula roon ay nagtama ang mga mata namin.


Itinukod niya ang dalawang kamay sa lababo habang nakatingin pa rin sa mga mata ko. Ang basa niyang buhok ay malayang tumatabing sa noo hanggang sa mga mata niya.


"Hindi ko sinabi kasi ayokong mandiri ka sa akin. But I've tried. I've tried a lot of times but I failed everytime. Ayoko kasing masira iyong masayang tayo dahil sira na ako." My voice crack in my last sentence.


Hindi siya kumibo pero kita ko mula sa salamin ang pagtiim bagang niya.


Napatingin ako sa kamay niya na hindi pa rin naaampat ang pagdurugo. Ikinubli niya iyon sa akin at dinala sa harapan niya kung saan hindi ko makikita. I was still facing his broad back at kung hindi dahil sa salamin ay hindi ko makikita ang mukha niya.


Looking at Lyndon, ngayon ko lubusang napagtanto kung gaano siya kaperpekto sa mga mata ko. Those thick eyebrows, his deep set pair of eyes, his nose and those pinkish lips na palaging nagpapahibang sa akin. His features are almost perfect. Idagdag pa ang maganda niyang pangangatawan at estado sa buhay.


Pero hindi ang mga iyon ang nagustuhan ko sa kaniya.


We met in a not-so-good-way. Sa bar to be exact where we kissed like lovers. Hindi ko pa alam noon na ilang taon ang tanda ko sa kaniya. He was twenty four then and I was twenty seven and that was more than two years ago.


What I like about Lyndon is that when he focus into something, palaging maganda ang nagiging resulta. Sometime he is childish and clingy but I always find it cute when he's like that. Alam kong hindi ako ang pinakamaganda sa lahat ng babaeng nakilala niya, baka nga ako pa iyong pinakapanget but he never failed to make me feel that I am the most beautiful woman in his eyes.


Kapag magkasama kaming kumakain sa labas, kahit minsan ay hindi ko siya nakitang tumingin o sumulyap man lamang sa mga babaeng nagpapapansin sa kaniya. Nagagalit pa nga siya kapag pinupuna ko ang mga babaeng tumitingin sa kaniya. He never failed to make me see that I am the only one – that I am his world.


But I am broken and I will always be.


Ngayon, dahil sa akin ay nasugatan siya at nasasaktan. Tulad nang nangyari sa amin ni Twain, ako ulit ang may kasalanan.


The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon