#TTBWBMH7***
SUNOD-SUNOD ANG naging pagsinghot ko. Di ko na talaga kaya! Padabog kong ibinaba ang kutsilyo at pinuntahan si Lyndon sa sala.
"Bakit ka ba kasi nandito? Ang aga-aga nambubulabog ka ng tao! Hindi naman tambayan ang condo namin."
Isang linggo na rin mula iyong tagpong iyon with Twain. I don't know what's with Lyndon pero mula nang bumalik kami ng Manila, walang araw na hindi siya pumupunta dito sa condo namin ni Mitchie. Mabuti na lang talaga at hindi nagagalit ang bestfriend ko. Actually, tuwang tuwa pa nga siya lalo na nung malaman niya na isang Madrigal si Lyndon.
Hindi ko naman kilala ang mga Madrigal kaya nagulat talaga ako noong i-kwento ni Mitchie ang tungkol sa kanila. Mayaman daw at makapangyarihan ang mga Madrigal pero ang pinunto niya talaga ay iyong pagiging single ni Lyndon at ng mga kapatid niya.
Pumalatak siya. "Magluto ka nalang." utos pa niya. Feeling hari.
"Bakit hindi ikaw? Pinipintasan mo lang naman iyong luto ko. Ikaw na ang magluto para naman may pakinabang ako sa'yo." Padarang akong naupo sa tabi niya saka siya itinulak. "Magluto ka dun." Turo ko pa sa kusina at nagulat ako nung tumayo siya at pumunta nga sa kusina namin.
"Huwag kang kakain." Aniya pa.
Sinundan ko siya. "Wow! Nakakahiya naman sa sa'yo!" Please, note the sarcasm. Mula nang makilala ko ang taong 'to, parang naging normal nalang sa akin ang mainis at maging sarkasmo.
Pinanood ko siyang magluto. Puro fried lang naman ang pwedeng lutuin dahil breakfast lang naman kami kumakain ni Mitchie dito sa condo. Iyong lunch at dinner, sa work na o sa labas.
"Bakit ka nga nandito?" Halata sa kaniya na sanay siya sa kusina. Siguro siya na lang ang paglulutuin ko pag gusto niyang kumain.
Nilingon niya lang ako at tinaasan ng kilay. Ang yabang nitong lalaki na 'to! Naghuhumiyaw ang kaangasan sa katawan. Pero kahit na ganoon, mula noong magkakilala kami, wala pa naman siyang ginawang ka-abnormalan.
"Siguro may nabuntis kang babae tapos pinagtataguan mo, 'no? Nako! Kapag talaga may bigla nalang sumugod sa akin at inaway ako ituturo ko ang bahay nyo."
"Hindi ganoon." Inilapag niya iyong hotdog at tinusok 'yung isa saka inabot sakin. Pero hindi nakaligtas sa mga mata ko iyong lungkot na dumaan sa mga mata niya.
"May nangyari ba sa inyo ng girlfriend mo?" I know I'm crossing some border line here pero hindi ko lang mapigil. Isa pa, kahit hindi masyadong nagsasalita si Lyndon, alam ko na may alam na siya sa amin ni Twain. Sana lang, hindi na niya alamin kung bakit kami naghiwalay kasi baka pati siya, isipin na marumi akong babae.
His lips twitch until a grin shows on his lips. "What do you expect?"
"Bastos 'to! Tinatanong ng matino tapos sasagot ng bastos." Inirapan ko siya pero tinawanan niya lang ako. Ang ganda ng ngipin ni Lyndon. Nag-brace kaya siya?
"Wala naman akong sinabing bastos, perv."
Habang kumakain kami, tahimik lang siya. Parang pumupunta lang talaga siya sa condo namin para mambulabog at makikain kahit di naman siya masyadong kumakain. Kung minsan nga, magpapaluto pero magkakape lang sa huli.
"Ilang taon ka na, Lyndon?" Tinaasan niya ulit ako ng kilay. Aahitin ko minsan iyang kilay niya na iyan para wala na siyang itataas. He looks intimidating whenever he's doing that!
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...