#TTBWBMH19:
Habang lumalalim ang gabi ay nagiging maingay ang grupo nila Lyndon. Kaming tatlo nila Zaren at Avie ay nakihalo na rin sa kanila hindi para makiinom kundi para awatin na sila lalo na at may namumuo ng tension sa pagitan ni Lance – ang boyfriend ni Avie at ni Kent na nalaman kong pinaka-close kay Avie.
"Pagalingan nalang kumanta?" hamon ni Kent na sinuklian lang ni Lance ng isang iling bago ihinilig ang ulo sa balikat ni Avie. Nang lingunin ko si Zaren ay halos ganoon na rin ang posisyon nito at ng asawang si Kai. At hindi ko alam kung bakit pero napadako ang tingin ko kay Twain.
Maybe because we used to act like that when we're still together.
Tama. Iyon lang iyon. Isang ala-ala na lamang ng minsang pinagsamahan namin. Aminin ko man o hindi sa sarili ko, alam kong hindi ko makakalimutan kung paanong sa loob ng ilang taon ay kay Twain lamang umikot ang mundo ko.
We even dreamt of having four kids – dalawang babae at dalawang lalaki na palaging tinututulan ni Twain dahil mas gusto niyang isa lamang ang babae para mabantayan niyang mabuti lalo na at alam niya na mahirap mag-alaga ng isang babae.
Twain came from a broken family. Ito ang panganay at sumunod ay si Emerald na ipinaampon sa mga Madrigal. Then, there's Shanna and Riley na half-siblings nila ni Emerald at si Twain na halos ang nag-alaga sa dalawa. Sa dalawa niyang nakababatang kapatid, alam kong kay Shanna siya nahirapan lalo na noong magsimula itong magdalaga.
During our relationship, wala akong maipintas kay Twain. He's been a good partner to me at ako lamang palagi ang problema. Palaging siya ang nagpapasensya kaya sobra talaga akong nasaktan nang bitiwan niya ako ng ganun-ganun nalang matapos ang lahat ng pinagsamahan namin.
Pero sino ba naman ako para husgahan siya?
Maybe... if I were in his shoes, I will choose to do the same.
Sino ba naman kasing lalaki ang magiging masaya kapag nalamang nabuntis ng iba ang kasintahan? Wala. And worst, hindi lang isa ang bumaboy.
Thinking about it, bigla akong napalayo kay Lyndon. Nagtatakang tinignan niya ako pero sa halip na tignan ko siya pabalik ay tumayo ako at lumayo mula sa grupo nila.
Natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nasa kusina at habol ang aking hininga dahil sa lakad-takbo na aking ginawa.
"Baby..."
"Stop!" bigla kong pigil sa kaniya nang akmang lalapitan niya ako.
Bigla akong nandiri sa sarili ko pagkatapos kong maalala ang lahat ng nangyari. Hindi ko man pinili pero tingin ko sa sarilo ko'y maduming babae na ako. Tila ako isang carbon na magbibigay dungis sa isang brilyanteng katulad ni Lyndon. Isa akong kapintasan kung madidikit ako sa kaniya.
"What's wrong?" ang mga kilay niya'y halos mag-isang linya niya habang nakamasid sa akin at sa isang hakbang ay nalapitan at nahawakan niya ako sa dalawang balikat.
"What's going on, Herrica?" puno ng pag-aalalang tanong niya sa akin habang nakayuko at pilit na hinuhuli ang aking mga mata.
Nang hindi ako sumagot ay isang malutong na mura ang kumawala sa mga labi niya na nagpatingin sa akin sa kanya. I rarely heard him cursed. Sa halip na ma-turn off ay parang na-sexy-han pa ako sa ginawa niyang iyon.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...