Chapter 10.

19.1K 495 34
                                    


#TTBWBMH10

***


"MS. ALVEZ! Stop sending mails! Go home!"


Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko noong sumigaw ang head namin. Nagka-problema kasi ang computer ko kaya natambakan ako ng mga mails na kailangang gawin at ipasa sa kanya. And I'm trying to finish them all today until I lost track of time.


The clock says it's already 6:40 in the evening. Over time na ako ng halos dalawang oras kaya mabilis kong pinatay ang computer at lumabas na. Habang lulan ako ng elevator pababa, hindi ko maiwasan ang kabahan. Palagi kasing nakaabang sa labas si Lyndon para ihatid ako pauwi. There are times na ipinagluluto pa niya ako ng dinner kahit hindi naman na kailangan. At may mga pagkakataon din na pinagtataguan ko siya.


"Hi, Ganda! Nakita ko kanina sa labas iyong sundo mo." Bati sa akin ni Mrs. Dela Vega na head ng HR Department. Mukhang tulad ko ay nag-over time rin siya.


Ngumiti lang ako sa kaniya at nagkunwaring nagte-text. Ayokong madikit ang pangalan ko kay Lyndon pero sa ginagawa niya, unti-unting nadi-dikit ang pangalan ko sa kaniya.


Hindi ko kilala ang mga Madrigal but when I tried looking for information about them, nagsisi ako bigla. Sobrang laking tao pala ng mga Madrigal. His father is a Judge and has his own law firm; his mother is a business magnate so as his brother Lennard. Si Leo naman ay isang sikat na car racer and he's into investments while Lyndon's the President in her mother's company! And he's only 24 and still studying law!


Naunang naglakad sa akin si Mrs. Dela Vega. Binagalan ko talaga ang paglakad dahil pakiramdam ko, hindi ko pa kayang harapin ulit si Lyndon matapos ang lahat ng nalaman ko.


God! It was like I'm snatching him from his cradle!


Nakahinga lamang ako ng maluwag noong wala akong nakitang Lyndon na nag-aabang sa akin. Mabilis akong pumara ng taxi para makauwi na at habang nasa daan ay umorder na ako ng pagkain na ipapa-deliver. I don't have time to cook besides, pagdating ko sa condo ay siguradong late na dahil thirty minutes ang byahe mula opisina hanggang sa condo namin ni Mitchie.


"I'm so hungry, Mitch. Wala pa yung food?" Bungad ko pagkapasok na pagkapasok ko sa condo namin. Medyo nagtaka pa ako kung bakit dim ang ilaw pero maliwanag naman sa kusina. Inisip ko nalang na naroon si Mitchie.


I took off my shoes and coat, leaving my strapless blouse and pencil cut skirt intact and walks astride the kitchen just to get surprised.


"Oh my God! You scared me!" Napa-atras pa ako at napahawak sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Lyndon at muntik pa kaming magkabanggaan.


Mula noong iwan ko siya sa pizza parlor weeks ago, ngayon nalang ulit naligaw si Lyndon sa condo namin. Ang buong akala ko nga ay hindi na siya tatapak dito ulit after what happened.


Kahit kasi noong sinusundo lang niya ako sa opisina ay hindi naman na siya umaakyat dito sa condo and then suddenly, he's here in front of me with apron pa!

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon