Chapter 22

15.4K 448 13
                                    

A/N: Hello sa mga bagong readers at silent readers! Paramdam kayo, uy! Uso ngayon ang pagpaparamdam. Wag puro kay crush nagpaparamdam lalo na at busy yon dahil may pinararamdamang iba. Sakit!  haha. Happy holloween in advance! And for those who are willing to avail my first self-publish book, Princess No More, p750.00 po sya. SF included plus freebies. Until November 15 ang payment. PM me for those interested. Thank you!

Sa ate kong pinakamaganda  (nag-iisa eh) na nagbabasa nito, mamaliin ko lahat ng hula mo sa story na 'to! HAHAHA.


#TTBWBMH22:


I sighed as I roll on the floor. Ang linis ng unit at ang lungkot.


Mitchie decided to go back to her province – sa Cebu. She even told me not to tell Draco. Nag-resign na rin siya sa trabaho na mahal na mahal niya.


Kung minsan gusto ko ng tanungin si Draco sa problema nila but then, naiisip ko na personal nilang problema iyon at labas na ako roon.


Sabado ngayon at wala akong pasok kaya wala rin akong magawa. I usually spend my weekends with Lyndon but he's too busy right now dahil may tatlong convicted rapist na gusto yatang pabuksan ulit ang kaso at ang isa roon ay si Lyndon ang abogado.


"Dapat kasi sa mga rapist pinuputulan ng titi para 'di na makaulit. Para madala at para matakot iyong may mga balak mang-rape." Sentimyento ko bago ako nagdesisyon na puntahan si Lyndon sa opisina niya.


Walang masyadong tao sa Madrigal Law Firm dahil sabado. Mangilan-ngilan lang ang naroon. Marahil ay may tinatapos na trabahoosadyang kumukuracha lang para malaki ang maging sweldo.


Binati ako ng ilang empleyado. Ilang beses na rin kasi akong nadala rito ni Lyndon.


Pagsakay ko sa lift ay pinindot ko agad ang floor kung saan naroon ang opisina ni Lyndon. May dala akong coffee and doughnuts dahil alas tres na rin naman and he deserve a break kahit na thirty minutes lang. Knowing him, hindi iyon magpapahinga hangga't hindi tapos ang trabaho – one of the few things I hated about him.


Pagdating ko sa tamang palapag ay sinipat ko pa ang sarili ko sa glass wall. I'm only wearing mustard yellow off shoulder dress na hanggang kalahati ng hita ko ang haba and white gladiator sandals. I curled my hair a bit dahil ang cute tignan kapag naka-sumbrero.


Simula nang maging kami ni Lyndon ay natutuo akong mag-ayos ng kaunti. Medyo ume-effort na ako, sabi nga ni Mitchie.


Ayoko kasi na may masabi ang ibang tao sa akin. Sa sobrang dami ng insecurities ko, pakiramdam ko na kapag ipinamukha pa nila iyon sa akin ay baka mag-amok na talaga ako.


Dahil sabado, wala ang sekretarya ni Lyndon kaya dumiretso na ako sa opisina niya para almang mapatda sa eksenang madaratnan ko.


"Lyndon!" I shouted kasabay ng pagbagsak ng mga dala ko sa sahig.


"Herrica!"


"Baby!"


Sabay pa nilang bulalas. Itinayo ko iyong kape na bumagsak. Medyo natapon na ang laman. Itinabi ko iyon sa isang gilid bago ko sila nilapitan na dalawa.


"Ano'ng nangyayari? Bakit kayo nagsasapakan?"


Pakiramdam ko ay nanay ako na kinakagalitan ang dalawang anak.

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon