Chapter 32

16.5K 500 37
                                    


Stronger than Before 32:


"A-ano ba'ng ginagawa mo?" napa-atras ako nang lapitan ako ni Lyndon pero hindi niya ako hinayaang makalayo. Hinigit niya ako sa braso habang may sinusupil na ngiti sa mga labi. Napasimangot ako.


"Ano'ng nakakatawa?" inirapan ko pa siya kaya ayun! Tuluyan na siyang napangiti and I swear, nabasa yata 'yung panty ko dahil sa ngiti niyang iyon.


Si Lyndon kasi, madalang ngumiti talaga iyan. Ang mahal ng ngiti. Palagi lang neutral ang mukha o kaya naka-kunot ang noo ng kaunti at minsan naman sobrang seryoso pero madalas parang tamad na tamad sa buhay niya. Pero kapag ngumiti, ay nako! Hindi lang makalaglag panty, nakaka-wet din!


Teka, ano ba itong naiisip ko? Kasalanan talaga ito ni Mitchie, eh! Ang bruha na iyon, sobrang mahalay. Ang libog-libog! Hindi ko talaga alam kung paano ko siya naging best friend at kung paano siya napagtyagaan ni Draco ng ilang taon samantalang ayaw ni Draco sa hindi marunong mag-filter ng bibig.


"After all of this, I want you for myself, Herrica." Aniya pa na ang ngiting mapaglaro at mapanukso ay unti-unting naging malungkot.


"Hindi pwede. Baby pa si Kaius!" pinanlakihan ko siya ng mga mata.


"Damn! I have two babies." Inabot niya ang mukha ko at kinintalan ako ng halik sa noo. Ilang sandali ring lumapat ang mga labi niya roon habang ako, nakatitig lang sa abs niya.


Bakit naging walo na? Nanganak? May pekpek? Sino'ng tatay?


Ipinilig koang ulo ko. Again, kasalanan ni Mitchie kung bakit ganito na ako mag-isip. As in si Mitchie ang dapat sisihin sa lahat ng kakaibang naiisip ko. Ang lakas maka-impluwensiya ng baliw na iyon, eh.


"You have no idea how you made me happy today, baby."


Ngumiti lang ako sa kaniya. Hindi ko in-expect na ganito niya kadaling tatanggapin si Kaius. Walang tanong-tanong, walang pagdududa. I even saw him blink his eyes as if suppressing a tear.


I mean, this is Lyndon Madrigal – one of the high and mighty freaking Madrigal and yet, he almost cry after seeing his son for the first time.


"I'm happy to know that. And I'm sorry for suddenly leaving you that day. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo. I was selfish back then but I didn't plan on hiding for too long. I am too insecure, Lyndon." I smiled bitterly at him. "'Eto ka kasi," I said with my hand up high, "...tapos andito lang ako sa ilalim mo."


"That's not true. Ikaw iyong tinitingala ko palagi, Herrica. I was only above you when we're making love. Iyon lang ang pagkakataon ko na mapunta sa ibabaw mo pero ang totoo, ako iyong na sa ilalim palagi."


Kinurot ko siya sa tagiliran kaya hinuli niya ang kamay ko at hinalikan.


"Ang halay mo, Madrigal. Isasama kita kay Mitchie, eh!" I said with matching irap pa para itago ang kilig.


The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon