#TTBWBMH24:
"Kailan ka aalis?"
Mula sa pagdidilig ng halaman ay nilingon ko si Twain. Naka-boxer shorts lang siya at puting sando na hapit sa katawan. Ang sapin niya sa paa ay tsinelas lamang na de goma. Magulo ang buhok niyang itim na itim at medyo nakaharang sa kaniyang noo. Halos matakpan na rin ang mga mata niya. May hawak siyang tasa ng kape. Halatang kagigising lang.
"Pinapalayas mo na ba ako?" biro ko sa kaniya.
"Halata ba?" sabay higop niya sa tasa.
Lumapit siya sa wooden swing sa dulong bahagi ng garden niya at doon naupo habang pinapanood ako. Mabilis kong tinapos ang pagdidilig at tinabihan siya.
We sit in silence for minutes. Malapit ng mag-pasko kaya mas malamig kaysa sa normal ang pang-umagang hangin.
Ang bahay ni Twain ay hindi naman kalayuan sa tinutuluyan ko at lalong hindi ganoon kalayo sa bahay ng mga Madrigal. He told me once na dito niya naisipang ipatayo ang bahay para kahit paano ay malapit sa kapatid niyang si Emerald.
If you look thoroughly, Twain's really a catch. Sa limang taon na naging kami, alam ko at nakita ko kung gaano niya inalagaan ang dalawang nakababatang kapatid na sina Shanna at Riley na ngayo'y nasa ibang bansa kapiling ang mga magulang nila. Noong narito sa Pilipinas ang dalawa ay halos si Twain na ang tumayong ama at ina sa dalawang kapatid. At ngayon nga ay gusto niyang malapit sa nag-iisang kamag-anak dito sa Pilipinas – si Emerald.
Malungkot ang buhay ni Twain. The circumstances in his life forced him to mature at a very young age. Nag-aaral pa lamang siya ng arkitektura ay tine-train na rin siya ng ama para sa sariling business ng pamilya na noong panahong iyon ay papalugi na. Idagdag pa na dahil sa stress ay hindi gaanong napagtuunan ng pansin ng mga magulang nila sina Shanna at Riley kaya bilang nakatatandang kapatid ay siya na ang tumayong magulang sa dalawang kapatid.
At noong maging maayos ang lahat ay bumalik siya ng Pilipinas kasama ang dalawang kapatid. Noon sila nagkakilala – sa opisina ni Draco kung saan palabas silang mag-pinsan at ito naman ay papasok para makipag-deal sana kay Draco na nauwi sa isang lunch meeting kasama ako.
I got mesmerize on Twain's emerald eyes. Wala yata akong ginawa noon kung hindi ang titigan ang mga mata niya na. Idagdag pa ang makapal niyang pilik at ang itim na itim niyang buhok na contrast sa maputi niyang kutis.
We hit off and became friends immediately. Naging madalas ang pagkikita namin hanggang sa magpaalam siya kay Draco para ligawan ako. Akala niya kasi ay magkapatid kami. Months later ay sinagot ko siya. He was my first boyfriend and my first heartache.
Bumuntong-hininga si Twain at inilapag sa Bermuda grass ang tasa. Nakatingin lang siya sa kawalan na tila may malalim na iniisip. Mukha rin siyang kulang na kulang sa tulog. Hindi kasi siya dito nagpapalipas ng gabi. Umuuwi lang sa madaling-araw to check me on.
Whenever I am sad or depress, they never left me alone. Noon daw kasi ay muntik na akong ma-over dose sa sleeping pills sa kagustuhan kong makatulog. At hindi lang isang beses nangyari iyon kundi tatlo at ang pinakahuli ay sa bathtub ako nakatulog na muntik ko ng ika-lunod.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...