Manila.After hiding myself for a year, heto na ako at puno ng kumpiyansa sa sarili. I never regret leaving him for so long. Tanging panghihinayang lamang ang nararamdaman ko dahil sa mga panahong nasayang na dapat ay magkasama kami at kaba nab aka sa muli kong pagtuntong dito sa Maynila ay wala na akong babalikan.
For the past months, iniwasan ko ang makibalita. Nag-focus ako sa mga bagay na makakabuong muli sa akin. I needed to mend not just my heart but also my soul and I cannot do that with Lyndon beside me because he's the perfection that keeps on reminding me how low I am compared to him.
I consulted a psychiatrist about what happened to me while I was pregnant. May pagkakataon pa na sumali ako sa isang forum kung saan ang mga naroon ay biktima ng rape at pang-aabuso and I found out that I was lucky enough because I didn't see nor feel the act of what those people did to me while I was drunk in that bar.
Kasama si Mitchie, sabay kami parehong nagpapa-check up. And the most shocking part of her pregnancy is when she told me that her baby's a Madrigal.
"Sino'ng tatay? Si Leo? Si Len? Shit, Mitchie! What about my cousin?" tanong ko sa kaniya noon na hindi naman niya sinagot kahit na anong pangungulit ko sa kaniya. Tanging makahulugang tingin lamang ang isinasagot niya sa akin.
I inhaled deeply. Iginala ko ang paningin sa loob ng airport.
"We're here, baby. Whom do you want to meet first? Your Lolo and Lola's or your father?" bulong ko.
I wonder how he will react kapag nagkita na kami. Maniniwala ba siya na anak niya si Kaius? Tatanggapin ba niya ang anak ko pagkatapos ko siyang iwan ng walang paalam nang gabing iyon?
I stared at my son who's peacefully sleeping in my arms. Hindi ko alam na sobrang lakas ng dugo ng mga Madrigal na isang tingin palang sa anak ko, kahit na ilang buwan pa lamang siya ay makikita mo na ang similarities niya sa ama. Kung hindi lang ako ang nagluwal sa kaniya ay iisipin kong hindi ako ang nanay ni Kaius dahil wala siyang kinuha sa akin kahit isa.
"Male-late daw ang sundo natin dahil naipit sa traffic. Dito muna tayo sa loob dahil masyadong mainit sa labas." Ani Twain. Dala niya ang mga gamit namin.
"Sure. Punta lang kami ng rest room. I need to change his diaper at baka magka-rashes na naman ang itlog ni baby."
Ngumuso si Twain kaya natawa ako. Ayaw niyang sinasabi ang salitang itlog palibahasa may naaalala. Dati kasi, iyong itlog niya – ay! Huwag na nga lang nating pag-usapan ang itlog ni Twain.
"Saglit lang kami." Sabi ko at tinungo na ang comfort room.
Napalitan ko na ng diaper si Kaius at lahat pero tulog na tulog pa rin siya. Napangiti ako at bahagyang pinindot ang cute niyang ilong. Palabas na kami ng makasalubong ko si Eunice. Nagkatinginan kami at agad na nanlaki ang asul niyang mga mata pagkakita sa anak ko.
"Oh my god!" hinatak niya ako sa isang sulok. She still looks like a Barbie especially now that her hair is blonde.
Ngumiti ako sa kaniya. "Hi! Eunice, right?"
"Oh my god!" ulit niya na hindi yata ako narinig. Pinindot pa niya ang pisngi ni Kaius na ikina-kibot ng bibig nito pero hindi naman nagising. "Ang cute!" at saka pa lamang niya ako binalingan.
"Nice meeting you, Eunice but we have to go." Paalam ko lalo at nakita ko hindi kalayuan sa amin si Leo Madrigal.
Eunice held my arm. "Kay Lyndon siya, hindi ba? Tell me that Lyndon's the father."
"Why?"
"Oh my god! Siya nga!" tila siya nabuhayan ng dugo kahit na hindi ko kinumpirma ang hinala niya. "Why did you left? Naging halimaw si Lyndon sa court room! Palaging mainit ang ulo na akala mo may regal palagi. He became a monster at ang dami na niyang ipinanalong kaso sa loob lamang ng isang taon dahil halos patayin na niya ang sarili sa pagtatrabaho. There are times that he was rushed in the hospital for over fatigue!"
Hindi ako nakahuma sa mga nalaman ko. While I'm fixing myself, did he ruin his life?
"Good thing you're back. Ikaw lang ang gamot sa sira-ulong iyon. Please, magbalikan na kayo. Bring back his smile, Herrica." She kissed both of my cheeks and Kaius' forehead before she waved goodbye after assuring me that she'll keep our encounter a secret.
Sa bahay naming sa Bulacan ako umuwi. Kasama ko si Twain pero inihatid lang niya kami. Hindi ko na rin siya pinilit na manatili dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kamag-anak ko. At ayoko na rin na maging masama si Twain sa mata ng mga tao when in fact, he's such a good man. Sana lang talaga ay magka-jowa na siya ulit.
"Naku, kay gwapo naman ng apo ko!" kinuha ni Mama si Kaius mula sa akin tapos ay tinignan niya ako. "Hindi ko alam kung bakit mo itinago maging sa amin ang pagdadalang-tao mo pero ano man ang dahilan mo, anak, ay uunawain kita. At sana, sa susunod mong pag-uwi ay kasama mo na ang tatay ng apo kong ito." Hinalik-halikan pa niya si Kauis. "Pero kailangan mo pa rin na magkwento, anak. Hindi ka pa one hundred percent ligtas sa mga tanong ko." Naka-ngiti niyang turan.
Ngumiti ako kay Mama at niyakap siya. Pati ang mga kapatid at pinsan ko ay nakiyakap na rin. Puro talaga sila barako. Umaapaw ang testosterone sa bahay.
Sa isang sulok ay naroon si Tita katabi si Draco na nakatingin lang sa amin. Lumapit ako sa kanila at niyakap si Draco tapos ay ang Mama niya.
"Si Lyndon ba ang ama?" ani Tita.
"Opo." Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paanong ayaw niya kay Lyndon para sa akin dahil isa itong Madrigal. Gusto kong magtanong pero parang hindi tama.
"Matutulis talaga ang mga Madrigal." Nakangiting turan ni Tita at sumulyap kay Draco na biglang umalis. When I look back at her, noon ko napansin ang lungkot sa mga mata niya.
"Do you mind if I ask kung bakit may galit kayo sa mga Madrigal, Tita?" she was my second mother. Parang mas nanay ko na nga siya dahil sa kaniya na ako nagdalaga.
Mapait na ngumiti si Tita. "Bitter lang ako. Lyndon's father and I used to be lovers. Ako iyong pangalawa. Pero hindi naman ako ganoon katanga para magpakababa sa kaniya kahit na alam kong kasal na siya noon. Besides, what happened between us didn't last."
I was so surprised to utter a single word kaya niyakap ko na lamang siya. I didn't ask further because I know, masasaktan lamang si Tita.
"Para na kitang anak at ang mga Madrigal ay masyadong matutulis at lapitin ng babae kaya sana, gusto kong iwasan mo pero natusok ka na pala." Tumawa si Tita. This time, it was full of humor na maging ako ay napangiti na rin.
"Hindi pa po niya alam na may anak na kami."
"Oh! But I know he'll accept you both. Ilang beses siyang pumunta rito noon at hinahanap ka pero wala kaming maisagot dahil maging sa amin ay hindi mo sinabi kung nasaan ka. Pero kung sakali, nandito lang kami, anak. Reresbak tayo kapag hindi ka niya pinanagutan."
Nagkatawan na lamang kami.
Kapag hindi tinanggap ni Lyndon ang anak niya, sasampalin ko talaga siya ng diaper na may tae ni Kaius!
A/N: Konti nalang talaga 'to. ;)
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...