#TTBWBMH11
***
KINABUKASAN, late kaming nagising ni Lyndon. As in super late na hindi pa kami magigising kung hindi dumating si Mitchie at Draco para kumuha ng damit.
"Hoy Herrica, magpaliwanag ka pagbalik ko, ha? Naku ka talaga! Buti hindi sumunod dito sa kwarto si Draco kung hindi, lagot kayong dalawa ni Lyndon!" Bulong ni Mitchie sa akin na may halong gigil habang si Lyndon ay nasa loob ng banyo.
"I can explain but please, don't tell Draco about this and nothing happened so don't give that creepy looks!" Pinanlakihan ko siya ng mata habang nagbubulungan kami.
"I'll wait for that!" kumindat pa siya bago tuluyang umalis.
Kinalampag ko naman si Lyndon sa banyo noong masiguro ko na nakalabas na ng condo sila Mitchie at Draco. "Lyndon bilis! May presentation pa ako!"
"Can you get my spare clothes in my car?" Sigaw niya.
"What?! Bakit hindi ikaw ang kumuha?" Sigaw ko mula sa labas ng pinto nang biglang bumukas iyon at iluwa ang ulo ni Lyndon na may bula pa.
"Sino ba ang may kasalanan kung bakit may ketchup ang buhok ko? And you shoved me here when Mitchie and Draco came. I thought you wanted me to take a shower."
"Ang sabi ko magtago ka. Hindi ko sinabing maligo ka!"
"Kapag hindi mo kinuha iyong damit ko, lalabas ako ng nakahubad." Parang bata na sabi ni Lyndon.
Nanlaki iyong mata ko nung bigla siyang humakbang ng kaunti. Halos makita ko na iyong kalahati ng katawan niya mula balikat hanggang paa.
"You really wanted to see me naked, huh?" may halong panunukso ang tinig nito.
Noong akmang hahakbang ulit siya ay tumalikod na ako. "Fine! Kukunin ko na. Basta bilisan mo na ang pagligo!"
Mabilis kong hinanap iyong susi niya at bumaba, not minding if I'm still on my pajamas. In less than five minutes, nakabalik na ako sa condo. Lyndon was drying his hair in front of the mirror while there's only a towel wrapped around his waist.
Hindi ko naman ipinalangin na makita ang katawan ni Lyndon pero gusto kong mapamura dahil sobrang toned ng abs niya at pantay na pantay ang kulay niya mula mukha hanggang paa. And he has pink nipples!
When he caught me looking at him, I shoved the clothes on his face and run inside the bathroom. Narinig ko pa ang tawa niya pero hindi ko nalang din pinansin at mabilis na akong naligo tapos ay nagbihis.
I was drying my hair when Lyndon knocked. "What?"
Pumasok siya at tumayo sa likuran ko habang hindi ko na alam kung ano ang uunahin; ang pagpapatuyo ba ng buhok o ang pag-a-apply ng make up. I need to look presentable today.
Tinignan ko ang oras, siguradong male-late ako ng thirty minutes sa oras ng pasok pero hindi sa meeting kaya kahit papaano ay okay lang. Dadalin ko nalang iyong kotse ko para mas mabilis.
"Bakit nandito ka pa? You're going to be late, Lyndon. Baka mamaya, sisihin mo pa ako kapag na-late ka." Grabe kasi, talagang isinisi niya sa akin kung bakit malagkit iyong buhok niya sa likod. Samantalang kagabi, ni hindi man lang siya nag-abalang linisin yung buhok niya at basta nalang natulog.
"It's fine. I'll drop you off in your office so you won't need to hail a taxi." Naupo siya sa bandang likuran ko. "You have a car but you're not using it. Ano pa ang silbi kung ganoon?"
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...