#TTBWBMH23:
It's been a week since that talk I had with Lyndon on his office. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagpapakita sa kaniya. I know he's not at fault. Kahit kaunti ay wala siyang kasalanan dahil wala naman siyang alam.
Ako palagi iyong mali. Nasa akin palagi ang mali. And I keep on doing the same mistake – paulit-ulit kong sinasaktan ang mga taong nagmamahal sa akin.
"Here." Inilapag ni Twain ang isang tasa na may lamang mainit na tsokolate.
I've been staying with him for a week now at his house. Dito niya ako dinala pagkatapos niya akong makita sa parking lot ng Madrigal Empire isang linggo na ang nakakalipas.
Hindi ko alam na may bahay na pala siyang naipagawa para sa sarili. Hindi ako nagtanong kung kailan pa ang bahay na ito pero mukhang matagal na dahil kumpleto na ang kagamitan, iyon nga lang ay parang hindi masyadong natitirhan.
"Thanks." Kimi kong tugon bago kinuha at pinagmasdan ang inumin.
Twain and I knew each other for a long time and I'm thankful for that. Kahit kasi magkasama kami ngayon ay hindi siya nagtatanong ng kahit anon a may kinalaman sa nangyari.
"Mayroong malapit na mall mula rito, baka gusto mong mag-shopping?" basag niya sa katahimikan. Mula sa suot niyang salamin ay tinignan niya ako saglit bago muling bumalik ang tingin sa hawak na ipad.
"Bakit?"
Ibinaba niya ang hawak at nakahalukipkip na tumingin sa akin. Parang alam ko na ang mga susunod niyang sasabihin – puro pagrereklamo. Kaya nang magsimula siyang magsalita ay sinupil kong pilit ang ngiti sa aking mga labi.
"Well, in case you didn't notice isang linggo ka na rito. You've been using my clothes and eating my stocks na parang may alaga kang anaconda sa tiyan mo. Hindi ka rin naglalaba o naglilinis man lang at kaysa pareho tayong maubusan ng pagkain at isusuot, mas mabuting mamili na tayo habang maaga pa."
"Hindi ka kasi naglalaba." Sabi ko pa at humigop mula sa tasa. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya kaya napatawa na lang ako.
Noong kami pa ni Twain, ako talaga iyong makalat and I love wearing his clothes. Kaya nga halos wala akong damit sa pad niya dahil damit niya rin ang isinusuot ko palagi. Siya iyong nagluluto para sa aming dalawa while I was the one preparing the table. Siya ang naglalaba, ako naman ang nagsasampay tapos kaming dalawa ang magtitiklop habang nagkukwentuhan.
There are times na pareho kaming tinatamaan ng katamaran kaya nagpapa-laundry nalang kami at nagpapa-deliver ng pagkain sa buong maghapon habang nagmu-movie marathon at nagkakalat sa unit niya na kadalasang nauuwi sa harutan at alam niyo na?
He has so many plans for both of us. Sa tuwing sasabihin niya ang plano niya ay nakangiti lang ako na pinagmamasdan siya. Tapos ay tutuksuhin ko siya na masyado siyang patay na patay sa akin na itatanggi naman niya kahit na sobrang obvious na.

BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
Ficción General"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...