Chapter 33

17.3K 413 22
                                    


Stronger than Before 33:


Hindi ko pa rin mapaniwalaan na ganun-ganun lang, isa na akong Madrigal. Gusto kong kurutin ang sarili ko at sampa-sampalin para lang matanggap ko ang katotohanan na iyon. Pero paano ko pa iyon gagawin kung sa mismong harapan ko ay palaging haharang-harang si Lyndon na tila ba ipinapaalala sa akin na sa kaniya na nga ako. Idagdag pa ang sing-sing sa daliri ko na may naka-engraved na pangalan namin sa loob.


Hindi ko pinangarap pero hindi ko itatanggi na sobrang galak ang nararamdaman ko magpahanggang ngayon. Right after he told me that I am his wife already, gusto niya na iuwi na agad ako na tinanggihan ko habang pinagtatawanan siya na sobrang ikinainis niya nang gabing iyon.


Lyndon's twenty-seven but he acted that moment like a twenty year old man.


Buong gabi niya akong kinulit noon na kailangan na naming umuwi. Hanggang kinabukasan ay ganoon pa rin siya. Mabuti na lamang at nalibang siya sa pag-aalaga kay Kaius na halos hindi na niya bitawan.


Isa sa mga bagay na nalaman ko kay Lyndon ay ang talent niya sa pagpapatahan ng baby. Magme-make face lang siya at tatahan na agad ang anak niya to think na hindi naman nakakatuwan ang pagme-make face niya – ang gwapo kaya!


"What's that smell?" Lyndon's brother, Len, asked as he put Kaius on Leo's lap.


Narito kami ngayon sa mansion nila dahil anniversary ni Emerald at Arthur at magpapakasal daw ulit ang dalawa for the fifth times already.


Eunice, who's sitting beside Leo giggles. "I think, nag-jebs siya." Anito at tinawag si Lyndon na noo'y katulong ni Arthur sa pool area na naglilinis. I was just watching them from the kitchen while helping Emerald and Meg baked some cookies for the kids.


Lyndon emerged from the pool area half naked and bare footed. Napatitig nalang ako sa kaniya at kung hindi ko pa narinig ang hagikgikan ni Emerald at Meg ay hindi maaalis ang titig ko kay Lyndon.


"Ang laway, baka tumulo sa cookies." Meg said. She's so pretty. Hindi halatang may tatlo ng anak na tulad rin ni Emerald. At ang harot din niya.


Nakita ko nang ibigay ni Leo si Kaius kay Lyndon na hinalik-halikan pa ang anak sa tiyan na ikinatawa nito. Palaging ganoon ang scenario, kapag nag-pupu si Kaius, si Lyndon ang tiga-hugas!


"Hindi ko talaga inasahan na si Lyndon ang mauuna sa tatlong iyan." Ani Emerald. Sa ilang buwan ko rito sa Manila at sad alas naming magkausap ni Emerald ay nalaman kong favorite niyang laitin ang mga kapatid. "Akala ko si Leo, eh. Ang harot kasi ni Eunice."


"Why? Lyndon's charming." Ani Meg na sa akin nakatingin.


"Totoy pa iyan. Burara pa. Ilang beses ko dati nakitang nakahubo iyan, eh!" natatawang saad ni Emerald. "Hindi kasi marunong mag-lock ng pinto tapos ako naman, hindi marunong kumatok kaya ayun! Maaga kong nalaman ang kaibahan ng bird na pambata sa pang-matanda."

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon