A/N: Sorry for the long wait! Busy kasi talaga at sobrang nakakapagod sa work lalo na at nag-aadjust pa ko. Tapos ineedit ko pa ang PNM. Tapos yung Chasing Hearts pa. Tapos syempre magko-korean drama marathon pa ko minsan at makiki-chismis sa fb. hahaha. Wala na nga akong social life! Next year pa ang sunod na update nito kaya namnamin nyo na. hahaha. chos! :)
#TTBWBMH13:
Days passed by very quickly and before I knew it, it's already Saturday. Walang pasok sa opisina kaya kagabi pa lamang ay nag-byahe na ako pauwi ng Bulacan. Sobrang tagal ko ng hindi umuuwi at sa sobrang excited ko na makauwi, nakalimutan kong mag-ext man lang kila Draco at Mitchie at lalong lalo na kay Lyndon.
"You left without even telling me, Herrica. I was worried sick last night because I couldn't contact you! Even your cousin and bestfriend has no idea of where you are."
I bit my lower lip to keep myself from smiling. Kagigising ko lang at ang galit na boses ni Lyndon ang maririnig ko pero sa halip na magalit dahil sa pagsusungit niya ay parang tanga pa ako na nangingiti."Sorry." I said. I can imagine him getting red from anger. Ang ganda pa naman ng kutis ni Lyndon.
Now, I'm wondering how he looks like when blushing or when he's this irritated.
I heard him sigh on the other line. "Give me your provincial address." Mahinahon na niyang saad na nagpa-alerto sa akin. I know, he'll follow me here because if not, then why ask for my address, right?
"Uuwi din naman ako bukas." I said instead. "Na-miss ko lang talaga ang parents ko."
"You didn't bring your car. Susunduin kita. Text me the address, I'll just take a shower."
Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag. Left me no choice, I texted him my address. Dalawang oras lamang mula noong makausap ko si Lyndon sa cellphone ay nakita ko na ang trail blazer niya sa harap ng gate ng bahay nila Draco kung saan ako tumutuloy.
"Herrica, may naghahanap sa'yo sa labas. Lyndon daw at kasintahan mo?" puno ng pag-tatanong ang boses ni Tita Macy, ang mommy ni Draco. She's also very protective when it comes to me.
"Ako na po ang magbubukas ng gate para makapasok siya, Tita." Na sinuklian ni Tita ng isang tango bago pumasok sa kusina.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na narito si Lyndon o maiinis dahil ilang minuto lamang mula ng dumating siya ay dumating si Mama at Tito Robert kasama ang mga kapatid ko. Lahat sila ay pinupukol ako ng nag-aakusang tanong. Paanong hindi gayong ngayon lang ako nagpakilala ng boyfriend sa kanila and although I've mention to them before that I already have a boyfriend – si Twain – I didn't told them it was Twain and not Lyndon.
"Hindi mo na dapat ako sinundan. Ayan tuloy, inuulan ka ng tanong nila Tito." Bulong ko habang naghuhugas kami ng pinagkainan namin.
"It's fine." Matipid niyang sagot.
Medyo nahihiya ako kay Lyndon. Kung ano-ano kasi ang itinanong at sinabi sa kaniya ng pamilya ko. Samantalang noong nagpunta ako sa bahay nila, kahit na sobrang stranger ko noon, wala akong nakuhang negative mula sa family ni Lyndon. They were so welcoming.
Ngumuso ako. I know it's not fine. For me it's not fine.
Bahagya kong sinulyapan si Lyndon. His face shows that it's really fine with him. Para ngang ang saya pa niya na na-hot seat siya kanina.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...