#TTBWBMH14:
The whole ride was so quiet. I was just looking at the never ending darkness of the road and Lyndon doesn't seem to mind. Para bang kuntento na siya na hawak lang niya ang kamay ko habang nagmamaneho siya.
"Do you want something?" ani Lyndon pagkarating namin sa condo niya.
It's not my first time coming here pero pakiramdam ko ay ito ang unang beses na nakapunta ako rito. It was so spacious and yet, hindi man lang tinitirahan ni Lyndon. Mas madalas pa siya sa condo namin ni Mitchie makitulog, eh.
"Tubig nalang. Gusto ko ng magpahinga."
Naupo ako sa couch na naroon at hinubad ang suot kong sapatos. Inilibot ko ang tingin sa condo ni Lyndon. Tulad ng Madrigal building, his condo speaks of how wealthy the owner is. Mula sa ceiling na mayroong chandelier, sa glass stairs na may pitong baitang papunta sa dalawang silid, sa isang sulok kung saan naroon ang mini bar counter kung saan may naka-display na iba't ibang uri ng alak, sa kusina na kumpleto sa gamit at sa living room na tila ginawa para makapag-relax ang kung sino mang naroon ay sumisigaw ng karangyaan.
Ganito ba talaga kayaman ang mga Madrigal? Hindi kami mahirap pero magmumukha akong pulubi kapag ikinumpara kay Lyndon. Sobrang... hindi talaga bagay. Bakit ba kasi ipinipilit pa?
I sighed at the thought. Bakit nga ba ako pumayag? Hindi ko na yata matandaan. Tinakot ba ako ni Lyndon? Ah! He blackmailed me!
Bapabuntong hininga na naman ako. Bakit ba kasi hinayaan ko iyon?
"Hey... what was that for?"
Sa gilid ko ay naupo si Lyndon matapos iabot sa akin ang isang baso ng malamig na tubig. May inilapag rin siyang isang canned beer at nachos sa glass table bago marahang pumulupot ang isang braso niya sa beywang ko.
"I want to do something to you but you look so tired." He said as he sniffed my neck. Bigla kong nainom ng tuloy tuloy iyong isang basong tubig dahil doon.
Bakit ang sexy maglambing ni Lyndon? Was he always like this to his past girlfriends? Now I wondered how many girls he dated before. At ilang babae na rin kaya ang nadala niya rito?
"Alam mo bang ikaw palang ang dinala ko rito?" isinubsob pa niyang mabuti ang mukha sa leeg ko at sa kakaiwas ko ay hindi ko namalayang napahiga na ako sa couch.
"Hindi. At hindi ako naniniwala." Kinurot ko siya sa pisngi para itago ang kabang unti-unting lumulukob sa akin. "Don't me, Mr. Madrigal." Sabi ko pa sa pabirong tono.
Kinunutan niya ako ng noo. Bigla akong kinabahan kasi kapag ganoong kunot-noo na siya, magtatransform na naman iyan sa pagiging seryoso at masungit.
"Joke lang! Syempre naniniwala ako. Tignan mo nga! Kung hindi kita inaya rito baka hindi magamit itong condo mo." I jokingly said. "Grabe talaga kayong mayayaman. Bibili ng gamit o condo tapos hindi naman pala gagamitin. Wala ba kayong mapaglagyan ng pera? Yung savings account ko maluwag pa." sabay tawa ko at pasimpleng umaayos para makaupo.
"Aside from my mother, Emerald and Zaren, wala na talagang ibang babaeng nakatuntong rito."
Napasibangot ako. "Puro magagandang babae naman ang binanggit mo. Grabe lang." ang ganda kaya ng mother ni Lyndon lalo na ang Ate niya na green pa ang mga mata. Pati si Zaren, kahit na may-asawa na ay ang ganda at sexy pa rin. Parang hindi nanganak.
Wala sa loob na napahawak ako sa tiyan ko. Halos isang taon na rin. Kung sakaling hindi ako naaksidente, kung sakaling walang itim na sports car ang biglang sumulpot, sana ay hawak hawak ko na ngayon sa mga bisig ko ang anak ko. Kahit wala siyang tatay, mamahalin ko pa rin siya. Kahit bunga siya ng isang hindi magandang pangyayari, tatanggapin ko pa rin siya ng buong-buo.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...