Chapter 15.

16.2K 427 20
                                    

#TTBWBMH15:

"I heard what happened, Herrica."


Hindi ko pinansin si Draco. In times like this, I know he'll choose his mother over me. Hindi ba at minsan na ring nasabi ni Draco na hindi ko dapat lapitan si Lyndon? Iyon ba ang dahilan? Dahil sa nakaraan ng ina niya at ng ama ni Lyndon? Bakit kailangang madamay kami?


Dumiretso ako sa kusina at kumuha ng malamig na tubig. Mitchie was watching us. Sa ganitong sitwasyon, hindi siya nakikialam sa amin ni Draco.


"Do you like Lyndon that much? You should stay away from him, Herrica. Hindi lang si ang pamilya natin ang masasaktan dito... higit sa lahat ay ikaw ang mas masasaktan. What happened to my mother and to Lyndon's father was already a closed case. It was like a forbidden book you accidentally open, and now, you're flipping the pages of that book."


Napahilot ako sa sentido ko. "Speak English, Draco. Hindi ko maintindihan."


"If you'll continue seeing him, ikaw lang ang mas masasaktan sa huli, Herrica. So please, stop already. Stop seeing him. I don't want to see you get hurt again." Hinawakan ni Draco ang dalawang balikat ko at pinagpantay ang mga mukha namin.


"Hindi ko pa rin maintindihan." Wala akong maintindihan sa mga sinasabi ni Draco but one thing is for sure – he knew something and he doesn't want me to know about it.


Bumuntong hininga si Draco. "Just do what I say, Herrica. Ayoko ng makita ka sa sitwasyong kinasadlakan mo almost a year ago. At kung mangyayari ulit iyon, ako na mismo ang magpapatapon sa'yo sa tunay mong ama." Biglang tumigas ang boses ni Draco.


"He's dead." Matagal ko ng pinatay sa isip at puso ko ang tunay kong ama.


Tumuwid si Draco ng tayo. "I'm serious, Herrica. Lyndon will not take you seriously kapag nalaman niya ang nangyari sa'yo."


"Draco!" tumayo na si Mitchie at hinila ang pinsan ko palayo.


Para akong sinaksak sa sinabing iyon ni Draco. "Why, because I was raped before?" my started to water pero pinigilan ko. I was clenching my fist tight just so I could stay calm. I don't want to go ballistic towards my cousin.


"I... I'm sorry, Herrica. I didn't mean it that way." Niyakap ako ni Draco ng mahigpit. "The Madrigals are so hard to reach, Herrica. Masyadong mahirap makibagay sa mundo nila. Nakita na kitang masaktan at ayoko ng makita ka ulit sa ganoong sitwasyon."


Hindi ko na alam kung saan ko ililigar ang sarili ko. Just when I started to live again, saka naman mangyayari ang ganitong bagay.


Bakit ba napakailap ng kasiyahan sa akin? What did I do wrong to experience this kind of thing? Hindi na ba ako pwedeng maging masaya?


The following weeks was hard for me. Sa tuwing magkasama kami ni Lyndon, hindi ko maiwasang maalala ang lahat ng mga sinabi ni Draco sa akin kaya bawat kilos ni Lyndon ay hinahanapan ko ng mali o pinag-iisipan kong ginagawa lamang niya ang mga bagay-bagay dahil may motibo siya.


"What's wrong?"


"H-huh?" napaunat ako ng upo.


"You've been staring at me for quite some time now. Is there something wrong?" iniikot niya ang stool na inuupuan ko sa kitchen counter ng condo niya at humawak siya sa magkabilang gilid niyon – imprisoning me between his arms and the stool.


"Bakit ako, Lyndon?" hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin alam kunng bakit sa dinami-rami ng babae ay ako ang nagustuhan niya. Pero gusto ba talaga niya ako?


Tinitigan niya akong mabuti. Para bang pilit niyang iniinti ang tanong ko na parang napakahirap niyong sagutin.


My heart was hammering inside my chest. Ang katahimikang namamayani sa amin ngayon ay labis na nagpapakaba sa akin. Bakit hindi siya makasagot? Mahal ba niya ako o naaawa lang siya sa akin? O baka naman wala lang siyang magawa sa buhay kaya ako ang pinili niya. Wala na nga namang mawawala sa akin.


I am not a virgin. Wala ng iingatan pa.


My heart got broken hardly and I still manage to survive. Therefore, heartache is not a big deal anymore. Kung ang una nga naman ay kinaya ko, edi mas lalo ang susunod.


Sinalubong ko ang tingin ni Lyndon. "You know what? Forget I asked." Bumaba akong pilit mula sa stool at dahil sa ginawa kong iyon ay halos magkadikit na ang aming mga katawan.


Ang isa sa mga braso niyang nakahawak sa gilid ng stool ay lumipat sa aking likod. Mula sa manipis na tela ng aking blusa ay ramdam ko ang init ng palad ni Lyndon. Pati ang init ng katawan niya ay damang-dama ko na kahit na hindi naman magkadikit talaga ang mga katawan namin. At bakit ko ba nararamdaman ang ganitong bagay?


"Why are you suddenly asking me that?" halata ang iritasyon sa boses niya.


"At bakit hindi mo masagot?" I asked back instead of answering him. Kung hindi niya sasagutin ang tanong ko, edi sige! Magpalitan na lang kami ng tanong!


"What's the problem, baby? Did I do something wrong?" hinapit niya ang beywang ko at hinaplos ang pisngi ko. Nagkulang ba ako sa pagpaparamdam na gusto kita?" he sounds frustrated but his voice was almost a whisper.


Nang akmang hahalikan niya ako ay iniiwas ko ang mukha ko kaya sa panga ko dumapo ang mainit niyang mga labi. Oh God! When was the last time we kissed?


Ngayon ko lang napagtanto na palaging sa noo o di kaya naman ay sa pisngi lamang niya ako hinahalikan. Not that I'm craving for his lips but I don't it's not normal that for weeks, he's been kissing my forehead and cheeks only.


"Do you how much I've restrained myself from kissing you, baby?" bulong niya habang padampi-dampi ang mga labi sa aking leeg. "And now, this!" binitiwan niya ako at humakbang ng isa palayo kasunod ng paggulo sa buhok niya.


Sa pag-atras na iyon ni Lyndon, saka ko lang naramdaman na nanlalambot pala ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang at nakakuha ako ng suporta mula sa stool na kinauupuan ko kanina dahil kung hindi, baka na sa sahig na ako ngayon.


"Hanggang ngayon ba ay si Scott pa rin? Siya pa rin ba, ha, Herrica?!" mariin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni Lyndon. Ang galit sa mga mata niya unti-unting tumuttupok sa pagdududa ko. Was he jealous? How come?


Umiling ako bilang sagot at ngayon ko lang napagtanto na halos hindi ko na iniisip si Twain dahil kay Lyndon. Iyong sakit ng ginawa ni Twain na pagbitaw sa akin ay hindi na yata mawawala pero nakakasanayan ko na at parang nagiging normal na lang sa akin ang sakit na ginawa niya.


"Then what? Why the indifference, baby?" muli niya akong nilapitan at niyuko para magpantay ang mga mukha namin.


Wala akong maisagot lalo na at alam kong mayroon pang hindi sinasabi sa akin si Draco. He's still holding something important that would affect my life so bad. If he's just protecting me from getting hurt, I don't know. Basta ang alam ko lamang ay may kinalaman doon si Lyndon hindi dahil isang Madrigal si Lyndon kung hindi dahil sa iba pang kadahilanan.


"Na-realize ko lang na hindi pala tayo bagay. You're too perfect for someone like me, Lyndon." Pilit akong ngumiti kahit na nag-iigting na ang bagang ni Lyndon.


"No. You're not leaving me, Herrica."


"Let's end this relationship, Lyndon. After all, pinagbigyan lang naman talaga kita. Siguro naman ay sapat na ang ilang buwan na magkasama tayo."


Hindi kumibo si Lyndon. He remains standing in front of me. Kahit noong tapikin ko ang balikat niya para magpaalam na aalis na ako ay hindi siya natinag. Parang... para bang tinanggap na lang niya ang desisyon ko.


Pero bakit ganoon? Parang ang bigat sa dibdib? Parang nahihirapan akong huminga? Bakit parang ako ang nawalan sa ginawa kong pagtalikod kay Lyndon?



The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon