Chapter 28

15.5K 658 59
                                    

Stronger than Before 28:


I look up at the Madrigal Empire – it's so high and elegant as ever. May mangilan-ngilang empleyado ang nasa labas pa. Marahil ay break time o hindi pa lang talaga oras ng trabaho nila.


I remember the first time I came here – noong galit si Lyndon; iyong unang tampuhan naming na nasundan ng halikan sa kotse niya kung saan niya humingi siya ng chance. Ngayon ko napag-isip isip na parang ang ganda ko naman sa mga inakto ko noon sa harap niya. ang choosy ko pa samantalang hindi naman ako ganoon kaganda.


At tulad nang unang pagtapak ko rito noon, wala na naman akong appointment.


"I'm sorry Ma'am but Mr. Lyndon Madrigal is a very busy person. You cannot see him unless you have an appointment with him."


Napanguso ako.Sobrang higpit talaga sa Madrigal Empire na sa lobby palang ay talagang haharangin ka na at aalamin ang sadya mo.


E, kung simugaw nalang kaya ako ng "buntis ako at si Lyndon ang ama!" maniniwala kaya sila? Malamang ay hindi. Bukod sa nakakahiya ay halata naman na hindi ako buntis dahil hapit ang suot kong bestida at kitang-kita ang impis kong tiyan.


"Pero nariyan naman siya sa opisina, hindi ba?" pangungulit ko pa. Actually, kanina pa ako nangungulit rito. Umaasa kasi ako na may makakakilala sa akin pero parang wala ng pag-asa. Bukod sa humaba na ng husto ang buhok ko ay medyo umitim pa ako ngayon dahil iba ang hangin sa probinsiya.


"Yes, Ma'am."


"Okay." Hihintayin ko nalang siguro siyang lumabas. Sa pagtalikod ko ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na bulto. "Arthur!"


Lumingon ito sa gawi ko ng kunot ang noo. Ang gwapo nitong mukha ay puno ng pagtataka. Ilang saglit lamang ay sumulpot naman ang asawa nitong si Emerald buhat ang isang bata at sa gilid nito ay ang panganay na si Claudette.


"I'm sorry for suddenly calling you, Mr. Iglesias." I apologetically said at kiming ngumiti. Nakakahiya naman kasi talaga 'yung ginawa ko.


"Misis, hindi ko iyan babae. Maniwala ka."


Tinampal ito sa braso ni Emerald. "Tumigil ka nga, Art!" anito sa asawa bago ako binalingan. "How are you, Herrica? Are you done hiding yourself from Lyndon?"


Napalunok ako. I remember that I was older than her but she's too intimidating. Her green eyes were cold and sharp, kabaligtaran nang kay Twain na tila palaging nangungusap. Bukod yata sa kulay ng mga mata ay wala ng pagkakatulad si Emerald sa kapatid na si Twain.


"I'm done fixing myself." Sagot ko habang diretsong nakatingin sa kaniya.


Tinaasan niya ako ng kilay. "Good. Now fix the mess you create." Anito bago naglakad. Sinenyasan naman ako ni Art na sumunod.


"Misis, baka naman lalong gumulo kapag nakisawsaw pa tayo." Rinig kong bulong ni Art sa asawa. "Alam mo naman ako, magaling lang sa pagsu-shoot pero hindi sa pakikisawsaw."

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon