Chapter 30

17.3K 545 63
                                    

Hi to @EmpressTwinkle   :)  Nakita ko nung isang gabi ang dami mo comments kahit sa mga previous chapters. Thank you be! :)

Sa mga naghahanap ng isang Lyndon Madrigal, may stock ako sa bahay. Nandun, walang damit. haha. Isa lang iyon kaya baka i-bid. lol. Wag nyo ko pansinin. Basa na and don't forget to leave a comment before you proceed to the next one (kapag meron na). :)


Better than Before 30:


Isang marahang tapik sa pisngi ang gumising sa akin. Dala marahil ng pagod kaya tuloy-tuloy ang naging tulog ko buong byahe pauwing Bulacan.


"We're here." Kunot-noo kong tinitigan si Lyndon. Hindi na polo shirt at shorts ang suot niya kung hindi isang v-neck shirt at denim pants. May suot din siyang itim na sombrero at may nakasabit na shades sa tapat ng dibdib.


"Kailan ka nagpalit ng damit?" he was about to answer when someone knock on the window beside me. Ang hardinero nila Tita Macy.


Ibinaba ko ang salamin at nginitian si Mang Tonyo.


"Ikaw pala iyan, Herrica."


"Opo. Paki-bukas naman po ang gate para makapasok kami." Na agad naman nitong sinunod.


Hindi pa man naipa-park ni Lyndon ang sasakyan ng maayos ay nagsilabasan na sila Mama mula sa bahay nila Tita Macy. Si Draco ay naiwan sa terasa habang hawak ang anak ko at isinasayaw dahil umiiyak.


Mabilis akong bumaba para lapitan ang aking anak.


Nagmano ako kay Mama at Tita bago nilapitan si Draco par asana kuhanin si Kaius mula rito nang pigilan ako ni Mama.


"Baka nagugutom ka. Mamahinga ka muna at magpalit ng damit bago mo hawakan si Kaius. Kumain ka na rin para tuloy-tuloy na. At bakit ka ba umiika?"


"Natapilok lang po." Sagot ko bago mabilis na tumalima.


Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan paakyat sa silid ko nang maalala ko si Lyndon. Nagtama ang paningin namin nang lingunin ko siya. Isang tango lamang ang ginawa niya na tila ba sinasabing okay lang siya kahit na pakiramdam ko ay kakatayin na siya ng mga kamag-anak ko na nakapalibot sa kaniya.


Mabilis akong nagbihis at bumaba na rin. Inabutan ko si Lyndon na mag-isa sa sala. Ni hindi man lamang binuksan nila Mama at Tita o kahit ni Draco ang TV para naman hindi mukahng kawawa si Lyndon na mag-isa!


I remember how his parents treated me. Malayong-malayo sa ganito kaya sobrang nakakahiya kay Lyndon lalo na at isa siyang Madrigal!


"Sorry." Bungad ko sa kaniya. Sa aming dalawa, alam kong siya ang nasaktan dahil sa mga desisyong padalos-dalos kong ginawa. Tapos ngayon ay ganito pa ang pagtratong natatanggap niya.


"We need to talk, Herrica. I have something to tell you and I bet, you have a lot of things to tell me, too." His voice was so serious that all I could do was nod at his words.

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon