Hello kay Kuya @DRAGONSHID !! Ayan na, ha? Hindi ako paasa. :)
#TTBWBMH:Prologue
***
Nakatingin lang ako kay Twain habang gumagawa siya ng blue print para sabago niyang project. Wala akong naiintindihan tungkol sa trabaho niya kaya hindi ko rin siya magawang tulungan. He has a presentation tomorrow and I accidentally ruined his blue print. I felt so bad about it. Pakiramdam ko, ako iyong pabigat palagi sa kanya.
"Babe, do you want some bread or coffee or anything?" Hindi pa kasi siya kumakain mula kagabi at hapon na! Hindi ko nga alam kung natulog pa ba siya dahil kahit ako ay madaling araw na natulog sa sobrang guilty ko. Three hours lang akong natulog tapos siya... wala pa yata talaga.
"I'm fine." malamig niyang tugon.
I sighed. Alam ko naman na kasalanan ko. Guilty'ng guilty na nga ako pero kailangan ba na ipamukha niya sa akin? Pakiramdam ko, konti nalang at maiiyak na ako.
"Answer my phone, Herrica."
Napapitlag ako nung marinig ko ulit iyong boses niya. Herrica nalang. Hindi na babe.
Tumayo ako at nilapitan iyong cellphone niya na nasa kama. Hindi ko maiwasan na mapaismid nung makita ko yung pangalan ng caller. Carla. Lagi nalang sumisingit ang babaeng ito kapag magkagalit kami ni Twain.
"It's Carla." I informed him before answering the call. Ni-loud speak ko iyon dahil ayoko siyang kausapin. Nakakairita.
"Twain! God! Kagabi pa ako tumatawag sa'yo! Kamusta ang blue print? Natapos mo na ba? Hindi ka kasi nag-iingat! Alam mo naman na ang clumsy ng girlfriend mo tapos--"
"Carla!" Awat ni Twain.
Nilingon niya ako bago kinuha iyong cellphone para kausapin si Carla. At talagang lumayo pa siya. Ayoko na! Hindi ko na kaya!
Inayos ko ang sarili ko at walang paalam na umalis ng condo ni Twain. Alam ko naman na lately, hindi kami masyadong okay ni Twain. I'm so moody at hindi ko alam kung bakit! I get jealous with every woman na nakakausap niya at nagagalit ako palagi kapag ganoon dahil palagi nalang niya akong dinadaan sa yakap at halik and after noon, okay na. Parang walang nangyari.
Pero kapag siya naman ang nagseselos, halos ikulong nalang niya ako sa condo niya. May mga pagkakataon pa na hindi niya ako pinapapasok dahil ayaw niya sa mga team mates ko sa trabaho. He even asked me a couple of times to quit my job. At kahit kailan, hindi siya naniwala sa akin na kaibigan lang ang mga iyon. Iyong iba nga, work mate lang talaga ang turing ko.
I was driving my vios when a black sports car suddenly u-turn. Pinilit kong umiwas pero siguro nga, malas akong tao. Sa pag-iwas ko kasi, bumunggo ako sa nakaparadang delivery truck. Salamat sa seatbelt at sa air bag dahil hindi ako tumilapon. Pero pakiramdam ko ay nabugbog ang buong katawan ko hanggang sa namanhid at nagdilim na lamang ang paningin ko.
When I woke up, mukha ng pinsan kong si Draco ang agad na bumungad sa akin. Syempre, siya lang naman ang kamag-anak ko na narito sa Manila. Ang pamilya namin ay nasa Bulacan.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
Narrativa generale"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...