Stronger than Before 29:
Kanina pa ako nakaupo sa couch na pinaglapagan sa akin ni Lyndon noong buhatin niya ako dahil na-sprain yata ang ankle ko dahil sa pagkakadapa. May in-spray siyang kung ano at nilagyan ng bendahe ang paa ko tapos ay hinarap na niya ang cellphone. Halos isang oras na siyang may kausap sa cellphone niya at panaka-naka lamang akong sinusulyapan.
I wanted to ask him what he meant when he said about the truth that can hurt us. Curiosity was eating me alive. So I made myself busy while waiting for him to finish whatever business he's doing over the phone.
Tumawag ako sa amin pero hindi sinasagot ni Mama at kahit ni Tita Macy ang tawag ko so I dialed Draco's number. Sa ikalawang ring ay sinagot na niya ito.
"Draco, nasaan sila Mama? Si Tita Macy? Hindi ko sila matawagan." Narinig ko ang tawanan sa background. "Bakit ang ingay?"
"They're busy with your son. Wala na silang ibang ginagawa kung hindi ang alagaan ang anak mo. Naaawa na ako sa pamangkin ko dahil pinag-aagawan nila."
Napangiti ako. Siguro ay magiging ganoon din kasabik si Lyndon kapag nalaman ang tungkol kay Kaius. Pero paano ko nga ba sasabihin na may anak na kami?
"How's Kaius, by the way?"
"Umuwi ka na. Walang ginawa ang anak mo kung hindi ang umiyak kapag nagugutom. Let Lyndon make the move, Herrica. You're the woman, for Pete's sake!"
Binalewala ko ang huling sinabi ni Draco. Dinakma ng awa at pag-aalala ang dibdib ko para sa anak ko. My poor baby!
Hindi kasi talaga sanay sa bottled milk si Kaius at dalawang araw na akong hindi nakakauwi. Masakit na rin ang dibdib ko, marahil ay dahil sa namuong gatas. I really need to go home today. Siguro naman ay ayos na na alam ni Lyndon na narito lamang ako sa paligid, hindi ba?
Tumayo ako at ipinagwalang-bahala ang sakit sa paa. Higit kanino man ay dapat kong unahin si Kaius lalo na at estranghero pa para sa kaniya ang lahat ng taong pinag-iwanan ko sa kaniya.
"Lyndon," pagkuha ko sa atensiyon niya.
"Bring it here, ASAP." Iyon lamang at tinapos na niya ang pakikipag-usap sa phone.
Ang bawat hakbang niya palapit sa akin ay unti-unting nagpalakas sa pintig ng puso ko. Ang mga mata niyang tila nakikita ang kasuluk-sulukan ng kaluluwa ko ay matiim na nakatingin sa akin ngayon at gustuhin ko mang mag-iwas ng tingin ay hindi ko kayang gawin dahil tila nahipnotismo na ako ng kaniyang mga mata.
Ipinilig koang aking ulo at umayos ng tayo. Inayos ko rin sa aking balikat ang bag na aking dala at nag-alis ng bara sa lalamunan bago nagsalita.
"I have a lot of things to say but I also have an important thing to do so I'm leaving, Lyndon. Let's talk some other time at sana lang ay huwag na akong harangin ng mga empleyado mo. Hindi naman araw-araw ay manggugulo ako sa'yo." Gusto kong palakpakan ang sarili sa sobrang kaswal ng pagkakasabi ko ng mga salita.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...