#TTBWBMH4
-edited
***
True to his word, Lyndon didn't do anything. Ako pa nga iyong nagising na nakayakap sa kaniya habang nakatalikod siya sa akin. Syempre, mabilis akong bumangon after mangyari iyon. Baka mamaya kung ano pa ang isipin ng lalaking 'to.
"Wala man lang akong pamalit na damit. Grabe naman kasi itong lalaking 'to!" hinanap ko yung cellphone ko at nag-compose ng message para kay Mitchie. Baka kung ano na naman kasi ang iniisip ng babaeng iyon. Pagbukas ko ng cellphone ko, ang dami niyang text at miscalls, silang dalawa ni Draco.
To: Mitchie
Mitch, kasama ko si Lyndon. Wag kang mag-isip ng kung ano. Nandito kami ngayon sa Laoag, Ilocos Norte kasama ang mga kaibigan niya with their girlfriends. They're good naman. I'll text you again kung kailan kami uuwi. Bahala ka na kay Draco. Love you!
Hindi ko na binanggit ang tungkol kay Twain. Sigurado kasi ako na mag-aalala iyon. Saktong pagka-send ko ng message ko kay Mitchie ay nakarinig ako ng katok. Nilingon ko si Lyndon. He's still asleep.
Without thinking, I open the door and saw Zaren holding a paper bag. She smiled at me. Mukhang kagigising lang din niya dahil medyo magulo pa ang buhok pero maganda pa rin. Na-conscious na naman tuloy ako bigla.
I open the door widely so she could get in pero umiling siya. "I bet tulog pa si Lyndon. Dinala ko lang ito kasi nakita ko kagabi na wala kayong dalang damit. Lalo ka na. Don't worry bago pa ang mga iyan. Hindi ko lang alam kung kasya sa'yo ang bra dahil mas malaki ang sa'yo, eh." Bulong niya at saka humagikgik. "Buti nga napagtyagaan 'to ng mag-ama ko." Sabay tawa niya ulit.
Natatawang inabot ko ang paper bag na inaabot niya. "Thank you, Zaren. Bigla nalang din kasi akong hinatak ni Lyndon. Hindi ko naman talaga alam na dito pala pupunta kaya hindi ako nakapagdala ng spare clothes." At least, kahit papaano ay may makakasundo naman ako sa trip na 'to at makakausap maliban kay Lyndon. Zaren is so carefree!
"Wala iyon. Actually, si Avie rin ay walang dala kaya pinahiram ko rin siya. Avie's my bestfriend. Medyo bad trip lang kahapon iyon kaya hindi natin naka-kwentuhan. May toyo kasi si Lance." Bumuntong hininga siya. "Alis na 'ko, ha? Baka gising na ang mag-ama ko. Kita nalang tayo later!"
"Salamat ulit!" She just nodded and waved goodbye.
Dumiretso na ako sa bathroom para maligo. Medyo alanganin pa akong lumabas dahil maiksi masyado iyong romper na ipinahiram ni Zaren. Hindi man lang umabot sa kalahati ng hita ko tapos ay mababa pa ang neckline at sleeveless.
"Ay bahala na nga! Wala naman ng magbabawal sa'kin na magsuot ng mga ganito. Mag move on ka na, Herrica. Iwan mo na 'yung dating ikaw para maka-usad ka naman." Kausap ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin at nag-aayos.
Paglabas ko ng bathroom, tulog pa rin si Lyndon. Gusto ko na sanang lumabas kaya lang ay natatakot ako na baka makasalubong ko siya. 'Wag nalang! Intayin ko nalang magising ang bakulaw na Lyndon na 'to kaysa lumabas mag-isa.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...