#TTBWBMH3
***
Going with Lyndon is definitely a very bad idea. Halos umusok na ang pwet ko sa walong oras na biyahe! Sa Manila palang, sobrang na-traffic na kami at ngayon, hindi ko na alam kung nasaan kami dahil madilim. Ni hindi man lang ako ginising ni Lyndon para yayaing kumain ng dinner!
"Lyndon, nasaan na ba tayo?" Kinalabit ko pa siya. Noon ko lang din napansin na iba na ang suot niya. Naligo kaya ito? "Saan ba talaga tayo pupunta?"
"We're almost there, Herrica. By ten ay baka naroon na tayo."
Nanlaki ang mga mata ko. Alas otso pa lang. Ibig sabihin ay may dalawang oras pa! "Almost there?! Almost there sa'yo ang two hours?" Hindi ko napigil magtaas ng boses. Eh kasi naman, ang layo layo ng byahe. Bakit ba kasi nagpakaladkad ako sa lalaking 'to eh hindi naman kami close.
Lyndon smirks. Sumulyap siya sa akin pero saglit lang. "Marunong ka palang magtaas ng boses? I thought you're just a sweet talker."
Ngumuso ako. Alam ko naman na pa-sweet akong magsalita. Sabi nila pabebe raw. Eh anong magagawa ko kung ganoon ang boses ko? It was so girly na minsan kahit ako naiirita!
"Tao rin po ako." Sagot ko kay Lyndon. "Pero Lyndon, baka pwedeng kumain na muna tayo? Kahit dumaan ka nalang sa drive thru para hindi na maabala ang byahe. Masakit na ang pwet ko kakaupo." Reklamo ko sa kanya. Hindi na naman siya sumagot pero ilang minuto lang ay dumaan nga kami sa drive thru. Ang dami niyang biniling fries and burger tapos ako ang ginawa niyang tiga-subo. Parang bata.
Pagdating namin sa Laoag, Ilocos Norte, sinalubong kaagad kami ng mga kaibigan niya. Grabe lang. Hindi ko in-expect na makakarating ako rito to think na ang kasama ko pa ay si Lyndon na kung tutuusin ay total stranger! We just met last night and yet, nagpakaladkad na ako sa kanya rito.
"You've met Lance, Kris, Gerald, and Isagani last night. Girlfriend nila ang mga kasama nila. Si Avie, Samantha, Ericka and Jenny." Bulong ni Lyndon habang palapit kami. "Iyong may buhat na bata ay si Zaren, asawa ni Kai."
Siniko ko si Lyndon. "So, wala kang girlfriend kaya mo ako isinama rito? Para hindi ka ma-OP, ganoon?" Tukso ko sa kaniya.
"Shut up, Herrica!" Natawa na lang ako. Sa gwapo ni Lyndon, wala kaya talaga siyang girlfriend? I mean, what's wrong with this world?
Nagbatian silang magkakaibigan. Grabe lang kasi feeling ko, lahat sila rich kid. Lalo tuloy akong na-out of place. Hindi ko na sila kilala, tapos hindi pa ako mayaman at ganoon kaganda samantalang iyong mga girlfriend ng kaibigan ni Lyndon, puro magaganda.
"Huy! Girlfriend ka ni Lyndon bridge is falling down?" Naka-ngiti niyang tanong. "I'm Zaren pala. Si Kai," Itunuro niya iyong pinaka-moreno sa lahat. "Asawa ako ni Kai, iyong negro? At ito ang pogi naming anak na si Zai." Naka-ngiti niyang sabi.
Ngumiti ako. Grabe naman sa puti ang babaeng ito. Parang labanos ang kutis at feeling ko ay natural ang pagiging pink at red ng lips niya. Maputi ako pero ngayong katabi ko si Zaren, bigla akong umitim.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...