Chapter 18

15.1K 406 20
                                    

#TTBWBMH18:

"Hey! It's three in the morning. Matulog ka na."


After that little argument that almost set us apart, Lyndon and I became closer than before or should I say... more clingy. Well, si Lyndon lang naman talaga iyong clingy. As in super!


There are times na habang nagluluto ako, nandun din siya at nakabantay. When we're watching TV, he's always leaning on me or the other way around. Sa umaga, pagkagising namin, he always wanted us to brush our teeth together. Hinahayaan ko nalang since madalang lang naman ako mag over night sa condo niya. And it's cute when he's that clingy naman.


"One hour or less and I'm done." He said with a sigh.


Finals na kasi at talagang for the past two weeks, palagi na siyang napupuyat sa pagrereview kaya ako na rin iyong nag-i-insist na mag stay sa condo niya kasi wala na nga sya halos pahinga, kain at tulog kaya ako na ang nagpapaalala sa kaniya palagi na magpahinga muna, kumain o matulog.


Mabuti nga at hindi siya nagkakasakit and although the dark circle under his eyes is visible na, it doesn't make him less gwapo.


I get up and walk toward his study table. Tinignan ko iyong pinag-aaralan niya. "Ang dami pa, ah!" tapos ay kinabig niya ako sa beywang kaya napaupo ako sa mga hita niya.


"Hmmn... heaven."


"Tulog ka na. Bukas naman iyang iba. Isangoras nalang naman pala. Anong oras ba ang exam?" sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko.


"Ten o'clock." He almost whispered.


"Tulog ka na. I'll wake you up at eight so you could read the remaining." Pero ang alam ko, na-review na niya ang mga iyon. It's just that, when he's into something, talagang ibinibigay niya ang lahat na halos abusuhin na niya ang katawan niya.


Sumubsob siya sa dibdib ko at niyakap pa ako ng mas mahigpit. Hindi ko alam kung minamanyak lang ba ako ni Lyndon pero kasi, madalas niyang gawin iyon.


"Do you like my boobs that much?"


Napatingin siya sa akin. His forehead creased. "What?"


Nagkibit ako ng balikat. "I don't mind naman kung palagi kang nakasubsob sa dibdib ko." For the past months naman, hindi pa kami gumawa ng kababalaghan. We cuddled, yes. We make-out, yes. But that's it and I was glad that Lyndon's taking our relationship slowly. Iyon kasing sa amin ni Twain, the moment na sinagot ko siya after ng isang taon niyang panliligaw ay bumigay na kaagad ako. Siguro kasi pareho kaming sabik mag-explore.


 Sa halip na sagutin ako ay binuhat niya ako at inilapag sa kama. He leaned on top of me and tucked some of my loose hair in my ear while his eyes are boring into mine.


"Let's get married after my BAR exam."


Nasamid akong bigla at napabangon. Dinama ko ang noo at leeg ni Lyndon na ikinatawa niya kaya lalo akong napakunot noo.


"Nagda-drugs ka ba, Madrigal?"


Again, he laughed and planted a soft kiss on me. "I just don't see any reason kung bakit patatagalin pa."


"You're still young, Lyndon." Na nagpasibangot sa kaniya. He really hates it kapag napag-uusapan ang edad. But really, he's still young.


"You're making an excuse again." Tumalikod siya at nagtalukbong ng kumot.


Natawa naman ako sa inasal niya at pumaloob sa kumot niya. I hugged him from behind as I teased his back by pressing my breast on it. He groaned but didn't move an inch.

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon