A/N: May problem yata sa margin? Sorry. Sa cp di okay pero sa computer okay naman. *sighs*
Anyway. enjoy ready! Comments are highly appreciated! xoxo
#TTBWBMH16
I didn't bring my car. Since that accident, the courage to drive any kind of vehicles left me.
Noong una, ang buong akala ko ay dahil hindi pa ako handa; dahil sariwa pa sa akin ang nangyari. Pero ngayon, na-realize kong hindi iyon ang dahilan. Talagang hindi ko na kaya. Ayoko na.
Sa labas ng kilalang condominium building na iyon ako naghintay ng daraang taxi. Alas singco pa lamang ng hapon ngunit madilim na ang langit na marahil ay dahil sa bagyong parating sa bansa.
Kita ko ang mabilis na pagdilim ng langit at ang tila pagbigat niyon kasunod ng unti-unting pagpatak ng ulan. Mabuti na lamang talaga at nakasakay na ako ng taxi bago pa man bumuhos ang ulan.
Sa dilim ng langit, iisipin mo talagang gabi na. Ang kalsada ay naging madulas dahil sa pagbuhos ng ulan dahilan ng pagbagal ng usad ng mga sasakyan.
Tulad ng langit na ngayo'y tila umiiyak, parang gusto ko ring umiyak sa bigat ng nararamdaman ko pero walang luha ang gustong lumabas. Naubos ko na yata noong magmakaawa ako kay Twain noon na huwag niya akong iwan.
Posible pala iyon? O baka naman sadyang mas malakas na ako ngayon kumpara noong una. Pero maaari din naman na hindi talaga ako ngayon nasasaktan; na guilty lang ako dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Lyndon ng ganon ganon na lang.
"Ma'am, may problema. Mukhang hindi na tayo makakatuloy dahil malalim na ang baha. Baka ho pasukin amg makina ng taxi ko."
Nilingon ko ang harapan namin at ganoon na lamang ang panlulumo ko nang makitang malalim na nga ang baha. Ilang araw na bang umuulan? Bakit kasi kaunting ulan lang ay bumabaha na sa Maynila?
"Sige po, pakibaba nalang ako sa tabi." I know it's not a good choice lalo na at pagabi na pero anong magagawa ko? Siguro ay magpapasundo na lamang ako kay Mitchie.
"Sige po, Ma'am pero pagabi na. Mas maganda po yata kung babalik nalang kayo sa pinanggalingan ninyo kanina." Sigestiyon sa akin ni Manong.
Gusto kong sabihin na wala naman na akong babalikan pa roon pero bago pa ako makatugon ay may kumatok sa bintana sa tapat ko na ikinagulantang ko.
"Lyndon?!"
Tapos ay ang tapat naman passenger seat ang kinatok niya. Nang ibaba ng driver ang salamin ay agad nag-abot si Lyndon ng isang libo kasinod ng pagbukas niya ng pintuan sa tapat ko at ang paghila sa akin palabas.
"Let's go back." Kasunod ng paghila niya sa akin palabas ay ang pagkabog ng dibdib ko habang walang kibong nakatitig at nagpapahila sa kaniya.
I've seen him in this state. Iyon ay noong unang beses na nagkagalit kami at iniwan ko siya sa pizza parlor. And it's about Twain. Again!
I don't like the Lyndon in front of me. It's like seeing a different man from the man I used to know. It's like seeing a real Madrigal – high and full of authority.
His trailblazer was just behind the taxi! Does it mean na talagang hinabol niya ako?
Para kang baliw, Herrica. Ayan na nga at sinusundo ka tapos magtatanong ka pa kung hinabol ka ba?
"T-teka nga! Saan mo ba ako dadalhin?" pinilit ko pang langkapan ng iritasyon ang nanginginig kong tinig. God! Ilang hakbang lang naman ang nilakad namin pero halos basa na kami dahil sa lakas ng buhos ng ulan! Lubog na rin ang mga paa namin sa baha!
![](https://img.wattpad.com/cover/97058374-288-k643240.jpg)
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
Ficción General"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...