Chapter 8.

19K 513 27
                                    


#TTBWBMH8

***

Inis na inis ako kay Lyndon that day. Alam naman niya na may history kami ni Twain pero pinilit pa rin niya iyong kanya!? Tapos ngayon, siya pa ang galit? Siya pa ang may ganang hindi mamansin?

"Bakit hindi na nagpupunta dito si fafa Lyndon? Inaway mo?"


"Bakit ako?" Balik tanong ko kay Mitchie. Bahagya ko lang siyang sinulyapan mula sa screen ng laptop ko.


"Eh bakit mo kasi iniwan sa mall noong isang linggo? Nagulat nalang ako noong tawagan ako nung tao at itanong kung nakauwi ka na." Tanong niya pa habang naglalagay ng red nail polish sa paa niya.


I sigh. Oo, iniwan ko si Lyndon that day dahil kahit na ang alam nila Twain ay magkasintahan kami, ayoko pa rin siyang lubusang ma-involve sa sitwasyon ko. I already have a hunch why he keeps clinging into me – not because he has a thing for me, of course but because even if he's not saying anything, he pities me. He wanted to help me forget and get over with Twain by messing around me and by making me face the reason why I am hurting – si Twain.


I appreciated his effort. I really do. But I'm not ready to face Twain again. Seeing him from afar was hard enough for me and being with him face to face makes all the broken pieces of me, which I picked up by myself, falls apart again.


"Iiwasan ko na si Lyndon." Mitch glances at me with surprise. "I don't want him to get stuck in my world, Mitch. Mas mabuti na siguro na iwasan ko siya."


Hindi ko alam kung may point ba iyong gagawin ko pero sa nakikita ko kasi, unti-unti ay napapalapit na sa akin si Lyndon in a way na alam kong iba ang kahahantungan sa huli.


I know, nagiging assuming ako sa ginagawa ko pero sino ba kasing lalaki ang madalas pupunta sa condo ng isang babae para lang mangulit, makikain at para ipagluto ako? Hindi pa naman siguro sobrang bored sa buhay si Lyndon para gawin ang mga bagay na iyon, hindi ba?


"Bakit, may narararamdaman ka na ba sa kaniya? Did he do something he shouldn't do? Or took advances on you?"


Umiling ako sa mga tanong ni Mitch. Wala naman kasi talaga.


Nagpakawala ng malalim ng buntong-hininga si Mitchie. "Wala naman pala pero bakitmo itutulak palayo iyong tao? Anong malay mo, hindi pala boyfriend ang kailangan mo kaya kayo nagkahiwalay ni Twain kundi isang boyfriend, as in boy na bestfriend."


"But I have you already as my bestfriend. Kayong dalawa ni Draco. Si Draco nga, parang tatay, kuya and bestfriend roled into one na, eh."


Niyakap ako ni Mitch. "I'm so touched." Then she cups my face. "Pero Herrica, nagsisimula pa lang naman kayo ni Lyndon kaya sana, huwag mo naman siyang itaboy palayo. Ikaw ang nagpapasok sa kaniya sa buhay mo kaya ngayon, hayaan mong siya ang lumabas ng kusa kung gusto niya. Hindi iyong ipinagtatabuyan mo iyong tao."


"Mukha ba talagang ang sama ng ginagawa ko? Ayoko lang naman na panghimasukan niya iyong buhay ko. Paano nalang kapag nalaman niya iyong tunay na dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Twain? Baka mandiri lang iyon sa akin."


"Then he's not worth it. Kapag ganoon ang ginawa niya, you can push him hard and slap him on the face. You can even crack his balls. I'll cheer for you when that time comes. Pero huwag naman sana. At tandaan mo, may tatlong klase ng lalaki na dadating sa buhay mo; iyong isa ay dadaan lang para makilala mo, iyong pangalawang klase naman ay iyong mananakit sayo at ang panghuli ay ang taong bubuo sayo sa katauhan ng isang kasintahan o isang kaibigan."

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon