Chapter 21

16.4K 435 15
                                    


#TTBWBMH21:


I woke up with a heavy feeling. Parang nahihirapan akong huminga and then I realized that Lyndon's head is on my chest. A smile slowly appeared on my lips as I caress his hair.


"Sleep, baby. Maaga pa." he murmured under my skin as he tightens his embrace on my body. Ang mukha niya ay sa leeg ko na ngayon nakasubsob kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa aking leeg.


Last night, we made love countless of times. Lyndon did so many things na hindi ko alam na magagawa niya. I mean, looking at him, he looks innocent. Well, looks can be deceiving sometimes. At isa pa, si Lyndon kasi iyong tipo na hindi mo aakalain na gagawa ng ganoong mga bagay sa isang babae.


I don't want to ruin our day kaya kahit na ang dami kong gustong linawin kay Lyndon tungkol sa relasyon naming ay hindi ko ginawa. I set aside all of just because I wanted a light mood between us. Marami pa namang araw ang daraan and right now is not the best day for it.


I was sore all over kaya pinagbigyan ko na rin si Lyndon na matulog na lamang kami ulit – na pinagsisihan ko bandang huli dahil magla-lunch na kami nakababa!


Hiyang-hiya ako sa parents niya. Kumpleto ang pamilya niya. Ang mga lalaki, kasama ang asawa ng Ate Emerald ni Lyndon na si Art, ay nanonood ng basketball habang nilalaro ng mga ito ang cute na si Deth-deth.


"Morning!" Ani Lyndon na kinuha mula sa kapatid ang pamangkin at hinalikan. "Hello, little one. What are you eating?"


Nang lingunin kami ng mga kapatid niya ay pawang nakangiti ang mga ito kaya gumanti ako ng ngiti kahit na nahihiya ako. I mean, I slept with Lyndon last night tapos late na kami lumabas ng kwarto kaya alam ko ang nasa isip ng mga kapatid niya.


"Maayos ba ang naging tulog mo, hija?" anang Daddy ni Lyndon.


"Maayos naman po. Salamat."


Sobrang ayos ng pagtanggap sa akin ng pamilya ni Lyndon kaya sobrang natatakot din ako na magkamali. Isa sila sa pinakakilalang pamilya hindi lamang sa Pilipinas kung hind imaging sa ibang bansa kaya hindi ko inaasahan na low profile silang tao.


"I'm really rooting for the two of you, Herrica." Anang mommy ni Lyndon habang nagpe-prepare kami ng lunch. "Ano nga'ng tawg ng mga bata ngayon kapag may gusto silang pareha?" baling nito kay Emerald.


"Shipping, Mommy."


"Iyon nga. I'm shipping the two of you, hija." Tumawa ito na marahan. "I've never seen Lyndon looked at someone the way he's looking at you."


Ngumiti ako at binalingan ang mga lalaki na nanonood pa rin ng basketball and saw Lyndon looking at us... looking at me. Kaagad siyang ngumiti nang magtama ang mga mata namin so I did the same.


Days, weeks and months passed by and now, mag-iisang taon na kami ni Lyndon. Paminsan-minsan ay nag-aaway and I know it's normal. Pilit ko rin na iniiwasan si Twain kasi siya iyong madalas na maging dahilan ng tampuhan namin.


I don't know what's wrong with Twain pero palagi kasi, tuwing makikita niya ako ay parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi-sabi sa akin.


If truth be told, I don't hate Twain. I can't hate him even after what he did to me almost two years ago. Kung minsan naiisip ko pa rin na paano kung hindi nangyari ang mga iyon? Kami pa rin kaya? Siguro ay oo ang sagot.


Pero kung hindi nangyari ang aksidenteng iyon, makikilala ko kaya si Lyndon? Siguro ay oo rin ang sagot dahil iisa ang mga kaibigan nilang dalawa. At marahil, kahit isang sulyap ay hindi to pagtutuunan si Lyndon dahil noong kami pa ni Twain, sa kaniya umikot ang bawat araw at gabi ko. It was like; he's all that I have even if it's not.

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon