Chapter 31

17.1K 464 36
                                    


Stronger than Before 31:


Kung kanina, pakiramdam ko'y nanalo ako sa lotto, ngayon naman ay tila ako sinabugan ng bomba dahil sa mga ipinagtapat ni Lyndon.


How did he manage to keep that from me? And he just tricked me and now, we're married! Well, iyon ay kung totoo ang sinabi niya at hindi lamang siya nanggu-good time.


Parang nanlalaki ang ulo ko dahil sa mga nalaman. Mukhang siya ang mas maraming kailangang ipaliwanag sa akin lalo na at tila pinagplanuhan niya ng todo ang pagkikita namin na ito.


Imagine, ngayon lamang kami nagkita pero nagpasabog na siya kaagad ng sobra?! Hindi ko talaga alam kung ano'ng isip ang mayroon si Lyndon kung minsan, eh. Sobrang advance niyang mag-isip at ngayon, pati ang mga kilos niya'y ganoon na rin.


"Did I hear it right? We are married?" I asked him. Baka kasi mamaya ay nabibingi lang ako sa dami ng mga nangyari ngayong araw.


"Yes." Diretso niyang sagot at tila proud na proud sa ginawa. Wala man lamang akong mabakas ni katiting na pagsisisi sa mga mata niya.


I glared at him. Magtatanong pa sana akong muli nang may kumatok sa pinto ng silid ko at mula roon ay sumungaw ang ulo ni Tita Macy. Ngumiti siya sa akin at umirap naman kay Lyndon na hindi ko nagustuhan.


Kahit naman minsan na naiinis ako kay Lyndon tulad ngayon ay ayoko pa rin na itrato siya ng ganoon ng pamilya ko lalo na at wala namang ginagawang masama si Lyndon sa akin at lalong lalo na sa kanila. He really doesn't deserve the cold treatment.


"Tita..."


"I know that you two have a lot of catching up to do." Lumapit siya sa higaan ni baby Kaius. "Sa akin muna ang apo ko, ha?" ani Tita more on sa akin.


Wala naman akong magagawa kaya tumango na lang ako besides, I knew she was right. Marami talaga kaming dapat pag-usapan ni Lyndon.


Lyndon opened the door for Tita Macy and Tita Macy smiled at him.


"Kamukhang-kamukha ka ng ama mo." Umiiling na saad ni Tita. "Stay for tonight, Lyndon. May bagyo raw, delikado kung magbi-byahe ka pa pabalik ng Manila."


"Thank you po."


Nilingon ako ni Tita at kinindatan bago tuluyang lumabas. Halos manlaki ang mata ko dahil doon. Ano'ng ibig sabihin ng pagkindat na iyon ni Tita? Sometimes, I really don't get her at all.


"Baby,"


"Huwag mo 'kong ma-baby-baby, Madrigal! Hindi ako natutuwa sa ginawa mo. How did you do that without my knowledge? And to think na ngayon pa lang naman tayo nagkita mula noong –" napahinto ako at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.


When I looked back at Lyndon, wala na iyong nanunuyong Lyndon. All I can see right now is his other side – his side which gave me chills everytime.

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon