Stronger than Before 35:
"How sweet you've become, Lyndon. But for the record, I am still your wife."
Kitang kita ko nang malagkit niyang tignan si Lyndon matapos noon ay bumaling siya sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa at pabalik pa.
Nang taasan niya ako ng kilay ay tinaasan ko rin siya. Yes. She looks more sophisticated than I am pero iyon lang iyon. Ako ang mahal, sa akin may anak at higit sa lahat, mas malaki ang boobs ko kaysa sa kaniya.
"Nasaan ang katibayan mong babae ka?" sa tono ng pananalita ni Tita Macy, alam kong naka-on na ang pagiging taklesa niya. Isa sa mga ugali niyang ayaw naming dahil kung minsan ay parang nakakalimutan na niyang tao ang kausap niya.
"Tita," awat ko kaagad. Nang lingunin niya ako ay inilingan ko siya.
As much as I wanted her to defend me, mas gugustuhin ko pa rin na si Lyndon ang gumawa niyon after all, he is a lawyer. Ngayon niya ipakita ang mga natutunan niya.
"When will you stop, Alyza?" may bahid ng iritasyong saad ni Lyndon.
Mama took Kaius upstairs. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Tita na matalim pang sinulyapan ang babaeng walang dibdib na umaangkin kay Lyndon – sa asawa KO. Akin. Hindi sa kaniya at hinding-hindi mapapasakaniya kahit tubuan pa siya ng walong dede'ng cup-Z!
"Come on, Lyndon! Hindi mo ba natatandaan? We were eighteen when we got married. Saksi ang mga kaklase natin doon." Punong-puno ng kompiyansang saad nito.
Kitang-kita ko nang matigilan si Lyndon and I know right there and then na may pinaghuhugutan nga si Alyza ng mga sinasabi niya. ang pagtiim-bagang ni Lyndon ay senyales na may katotohanan ang mga sinasabi ni Alyza. But still, I'm hoping that I am thinking wrong.
"We all know it's just a game. That's just a fucking game from the wedding booth of college department!"
Unti-unti, ang tibok ng dibdib ko ay lumalakas. Ang bawat paglakas ay tila nangangahulugan na anumang hinala ang nabubuo sa utak ko ay totoo.
Tulad na lamang ng kung talagang kasal sila ay ibig sabihin, mawawalang bisa ang sa amin. That would leave me as a mistress, scraping the Madrigal name on me.
"Oh, no!" ani Alyza na tila gulat na gulatpang tinakpan ang bibig ng kamay. "What should we do then? Ipinarehistro ko kasi ang kasal natin two years ago noong makita ko iyon.it doesn't have a date so I put one and used some connections. You know? These days, money can buy anything." Tapos ay lumingon siya sa akin. "So, do you have money?" she mockingly asked.
"Syempre, wala." Puno ng kompiyansa kong saad. I have to use what I have including my boobs because I don't have connections and money.
"So, suko ka na?" ngiting-ngiti pang tanong sa akin ni Alyza. Sayang. Ang ganda ng pangalan niya, bagay na bagay sa mukha niyang parang anghel – anghel na tinubuan ng sungay at buntot.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...