#TTBWBMH5
***
Hinampas ko si Lyndon nang maabutan ko siya. Grabe! Sa lahat ng lalaking nakasalamuha ko, siya na yata iyong pinakawalang pakialam kung maiwan man yung kasama niya. Halos mawala ako habang pabalik kami. Kung hindi lang talaga matangkad at nangingibabaw si Lyndon sa dami ng mga tao ay baka hindi ko na siya nasundan. Ang bilis maglakad palibhasa, mahaba ang legs, eh!
Tumawa lang si Lyndon at inakbayan ako. That same akbay na pang-tropa. I don't mind. I'm starting to feel comfortable beside him naman kahit na feeling ko, ang bata pa talaga nitong si Lyndon. Pati na rin iyong mga kaibigan niyang sila Lance, Kris at Kai. Nakaka-tempt na nga na magtanong ng age.
"Saan kayo galing? Hinanap namin kayo." Naka-ngusong tanong ni Zaren pagkakita sa amin.
I saw how Kris and Lance looked at us. Well, hindi naman nila alam na nagpakilala ako kay Twain bilang girlfriend ni Lyndon. Kung malalaman kasi nila, siguradong magtataka sila lalo na at noong isang gabi lang talaga kami nagkakilala ni Lyndon. Ni hindi nga namin alam ang full name ng isa't isa.
"Nag-CR lang." Si Lyndon ang sumagot.
Nakita kong nakatingin sa amin si Twain at nandun na naman iyong pakiramdam na gusto kong umiyak at tanungin siya kung bakit niya ako binitawan noong panahon na siya nalang ang makakapitan ko. Pwede naman siguro kasi na mag-stay muna siya kahit ilang araw lang. Para hindi ako nabigla. Para hindi sabay-sabay nawala lahat ng importante sa akin.
I looked away. I can't stand seeing how unhappy his eyes are whenever he takes glances at me. Parang sinasabi niya na "Masaya sana tayo ngayon, Herrica pero sinayang mo" and I can't stand seeing him like that. Parang sumisikip 'yung dibdib ko.
"You're there again." Kinabig ako ni Lyndon at niyakap saglit tapos ay isinuot niya sa akin iyong cup niya bago muling dumapo ang braso niya sa balikat ko.
Nagyuko ako ng ulo at bumulong. "Palibhasa hindi mo nararamdaman ang nararamdaman ko."
"I heard you there. Gusto mo yata talagang iwan kita rito, eh." Niyuko niya ako at sinilip. "Kapag may tumulo sa mga mata mo, ikaw ang pagda-drive-in ko pauwi."
"He never let me drive, unlike you." I pouted. Lyndon is so ruthless sometimes!
"I'm not him. Don't you ever compare me to him. I am a Lyndon Madrigal and I have my own rules." Mayabang niyang sabi.
"Baka attitute kamo!" Inirapan ko siya.
Hindi ko alama kung bakit nakikisakay sa trip ko si Lyndon but I'm really thankful about it. Kasi kung ako lang ang haharap kay Twain, kung wala akong masasandalan at makukuhanan ng suporta, I would break down again. And going back to that darkness is the least thing I would like to happen. Kasi ngayon, medyo ayos na ako. Medyo kaya ko na dahil nakakalabas na ako ng apat na sulok ng condo unit ko unlike before.
After lunch, we decided to go on our separate ways. It's fine with me. Sa hotel nalang ako dahil baka mawala pa ako. That was really my plan until Lyndon dragged me out at ngayon ay nasa isang mall kami at namimili ng damit.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...