#TTBWBMH2
***
"Oh my God! What did I do again this time?" Ilang beses ko pang kinusot ang mata ko pero na sa ibang silid talaga ako!
I checked my self and almost freak out when I realized that I'm not wearing the same clothes I wore last night! Pero wala namang masakit o kahit na anong pakiramdam akong nararamdaman sa katawan ko maliban sa masakit ang aking ulo.
"You're awake." Buhat sa nakabukas na pinto ay nakasilip ang isang bagong gising na si Lyndon. Magulo ang buhok at naka-puting sando at itim na jersey shorts lang.
"Lyndon, right? Nasaan ba ako? Sino ang nagpalit ng damit ko? Oh my God! I need to call my cousin or else, magfi-freak out na naman iyon!" Hinanap ko iyong clutch bag ko and saw it on the side table pero wala ang cellphone. "Where's my phone?"
"Na sa ibaba. Pina-charge ko. Someone called this morning. A certain Draco. I told him you're here and he said he's gonna pick you up when you're awake." He said, mahina at parang tamad na tamad. Pahikab-hikab pa siya.
Naka-tingin lang ako kay Lyndon habang nagsasalita siya. Ang sungit pala ng mukha ng lalaking 'to kapag hindi naka-ngiti. Even the way he speaks, ang sungit din ng dating. Mas gwapo siya sa umaga pero mas ma-appeal sa gabi.
"Fix yourself tapos ay bumaba ka na for breakfast." He pointed out on something. Nang tignan ko iyong itinuturo niya ay nakakita ako ng damit. "I'll wait outside. Bilisan mo."
Pagkasara niya ng pinto ay napasibangot ako. Kulang na lang kasi ay ipamukha sa akin ng Lyndon na iyon na napipilitan lang siya sa lahat ng ginagawa niya. Bakit kasi hindi nalang niya ako iniwan sa bar kagabi? I'm sure makikita ako ni Draco at Mitch dahit hindi naman ganoon kalaki na mala-MOA ang bar na iyon.
Mabilis kong inayos ang sarili ko sa banyo at isinuot ang dilaw na bestida na ewan ko kung kanino. Conservative ang tabas niyon pero simpleng simple lang at saktong umabot lang ang haba sa itaas ng tuhod ko. Isinoot kong muli ang white pumps ko at lumabas na.
"Tagal." Salubong ni Lyndon bago lumakad pababa. Sinundan ko siya.
Sinabayan ko siya sa paglakad. Gustong gusto kong suriin ang bahay pero naiinis ako dahil feeling ko, gusto na akong paalisin ni Lyndon kaya sinundan ko nalang siya na mabilis na naglalakad. Edi siya ng ang mahaba ang legs!
"Alam mo, kung ayaw mong nandito ako, aalis na ako. Salamat sa pagpapatulog sakin dito sa bahay mo." Sabi ko nng maabutan ko na siya. Pinilit kong sabayan siya kaya halos tumakbo na ako.
"Ang arte. Nagugutom na kasi ako. Kanina pa kita hinihintay magising. Tulog mantika ka."
Hindi ko na namalayang na nasa dining area na pala kami. Napahinto ako bigla nung makitang kong may pitong pares ng mga mata na naka-tingin sa akin. Napa-tingin ako kay Lyndon nung hilahin niya ako at igiya sa isang silya.
"Si Herrica. Herrica," itinuro niya isa-isa ang nanay niya, tatay, ang dalawang kapatid na lalaki, isang kapatid na babae, ang asawa ng ate niya at ang anak ng mga ito. "My mom, my dad, Len, Leo, Emerald, her husband Arthur and my niece, Claudette."
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...