Chapter 34

15.1K 382 37
                                    

Stronger than Before 34:


Nagpupuyos ako sa galit habang sakay ng elevator pababa ng Madrigal Empire when Kaius suddenly cries. Nabawasan ang galit ko nang mabalingan ko ang anak ko. He was looking up at me while sobbing. His eyes and nose were already red from crying.


I kissed his forehead and hugged him gently. Kaagad namang tumahan si Kaius like he already found comfort through my arms.


We're on the third floor when the elevator stops. Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko lalo na at kami lamang ng anak ko ang lulan ng elevator. Hindi ako gumagalaw habang hinahalik-halikan ko ang ulo ng anak ko at nakatingin lamang sa numero na siyang indikasyon kung nasa anong palapag na kami.


Pinagpapawisan na ako ng malapot dahil ilang minute na kaming nakahinto nang maisipan kong kuhanin ang cellphone ko. Hindi ko sana pagtutuunan ng pansin ang text ni Lyndon kung hindi lang talaga sobrang iksi ng mensahe na kahit ano ang gawin ko ay mababasa at mababasa ko pa rin.


Lyndon:

"It's not what you think."


I almost rolled my eyes not because of his text. "Bakit walang signal?!" I was about to shout for help when the door opens. "Thank God!" usal ko at napahalik nalang ako sa anak ko.


"Baby..."


Doon nabaling ang atensiyon ko. I shot him a glare. Lalagpasan ko sana siya nang iharang niya ang dalawang braso sa magkabilang gilid ng elevator. He was holding his coat and he's sweating a lot like... a lot!


"Let me through." Mataray kong saad.


Ano? Pagkatapos ng nakita ko sa opisina niya ay ganito nalang? Isang tawag lang niya ng baby sa akin ay ayos na ang lahat? This time, wala akong kilig na nararamdaman na natatabunan iyon ng galit at inis. How can he say those sweet things to me when he doesn't really mean it?


"She's not my woman. I am not cheating." He looks frustrated. Medyo humihingal pa siya na parang katatapos lang – ano ba itong naiisip ko? Basta, humihingal pa siya!


I arched one of my brows then rolled my eyes at him.


"Huwag ako." Sabay tabig ko sa isa niyang braso para makadaan kami ni Kaius.


I already have a hint na siya ang nagpatigil sa elevator para maabutan niya kami ng anak niya at na naghagdan lamang siya pababa para makahabol.


Eh ano sa akin kung sobrang taas ng hinagdan niya? Aba! Baka mga mas mataas pa roon ang narating nila ng babae niya. Baka nga umabot na sila sa langit. Mga leche!


I've never been cheated before and I didn't expect to experience it now that I am married. Noong kami ni Twain, kahit minsan ay hindi siya tumingin sa iba. Kaya nga sobra ko siyang minahal. At kahit noong nilalandi siya ni Carla ay hindi naman ako na-threaten kasi tiwala ako kay Twain.

The Madrigal Series 1: Stronger Than BeforeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon