#TTBWBMH26:
One year later.
"Anak ng titing malaki!"
Natatawang hinatak ko ang buhok ni Mitchie. "Ang bastos mo! Ano ba iyan?" nakisilip ako sa magazine na binabasa niya.
Na-featured doon si Draco three months ago as one of the most successful bachelor in the Philippines. Mayroong sampung nafe-feature bawat buwan at hindi nawawala sa top ten si Draco, ang kambal na sina Dr. Xander Saavedra at Alex Saavedra, Kahel Amorsolo, Dr. Axel Telpace, Jules Timothy Vijandre, Len Madrigal, Leo Madrigal at si Lyndon.
Noong una ay kasama rin doon si Twain pero anim na buwan na ang nakalilipas mula ng bumalik itong America kaya nawala sa listahan lalo na at hindi naman talaga Filipino citizen si Twain unlike the other men on the list na pulos dito ipinanganak sa Pilipinas.
"Topless ang putaragis na si Draco!" pinaghahampas niya ako sa braso na parang gigil na gigil. Most of the photos of the top ten bachelors were stolen kasi.
Pinaghahampas ko rin siya kagaya ng ginawa niya sa akin habang natatawa ako.
"Aray ha?! Marunong ka na talagang gumanti!"
Nagkatawanan kami tapos ay binuklat buklat pa namin iyong magazine kasi talaga namang ang gu-gwapo nung sampu.
Nagulat ako nung bigla niyang pinunit iyong litrato ni Lyndon at ibinigay sa akin.
"Hayan! Sa'yo na iyan. Alam ko naman na kinukuha mo talaga ng patago ang picture ni Lyndon. Huwag mo ng itanggi!" pinanlakihan niya ako ng mga mata kaya napasimangot ako.
Actually, gawain iyon ni Mitchie. Kinukuha niya iyong pahina ng magazine kung saan naroon si Draco tapos ay itatago niya. Iyong mga magazine, ginagawa niyang pamarikit nalang ng siga pagkatapos kaya kinukuha ko na lang rin iyong kay Lyndon. Sayang naman kasi ang gwapo niya roon.
"Ginaya lang naman kita." Ngiting-ngiti ako sa kaniya.
"Oo na! Pero huwag mo akong masyadong tularan ha? Last mo na 'yan!" tapos ay binuklat buklat naming ulit 'yung magazine kahit na hindi naman naming kilala iyong ibang naroon.
"Kung nasa Manila lang ako, si Doc. Axel Telpace ang kukunin kong OB." Tapos tumawa siya ng nakakaloka na akala mo sinusundot siya sa puki. "Tapos kapag masakit ang ulo ko, kay Doc. Xander naman ako magpapacheck-up!"
"Wala ka namang hilig sa doctor niyan, 'no?"
Hinarap niya ako tapos ay ipinatong sa mga hita ko iyong magazine. "Since wala na si Lyndon sa magazine, pumili ka ng isa sa walo. Syempre hindi kasama si Draco kasi magpinsan kayong dalawa. So, sino'ng pipiliin mo at bakit?"
"Talagang may bakit pa?"
Sinabunutan niya ako. Bwisit talaga itong si Mitchie minsan eh.
BINABASA MO ANG
The Madrigal Series 1: Stronger Than Before
General Fiction"It is so amazing how someone can make you feel so special and loved at the same time. But it is so hard to accept how he can easily break your heart and you can still love him with every pieces of your broken heart because you know for a fact that...