Chapter 2

3.4K 68 1
                                    

Van was my first boyfriend. Truth is, three years na kami. Wala pa naman talaga sa plano ko nun na magka-boyfriend. Hindi naman ako man hater. Sadyang hindi pa talaga ako handa sa kahit na anong commitment. Hanggang crush crush lang.

Marami akong crush. Pero palihim lang. Hindi kasi ako lantaran kung magkagusto dahil ayoko ng tinutukso. Van was my secret crush back then and alam ni Mona yun.

Tapos inamin niya, crush niya din pala si Van. Ayos lang naman para sa amin na iisang lalaki lang ang gusto namin. Crush lang naman eh.

Mona and I were very close. Mas close pa kaysa kay Bea. Everytime na may occassion sa bahay, palagi siyang invited. Ganun din ako sa kanila. My secret is her secret.

Kapag umiiyak ako kasi may problema, she's always been there for me. Pag may naliligaw ng landas, hindi namin iniiwan ang isa't-isa para gabayan sa tamang landas. She almost committed suicide at buti nalang Van called me that time. Akala ko nga mauuna akong mamamatay sa kanya dahil sa bilis ng pagmamaneho ko.

Ngayong umiiyak ako, wala ng Mona na magpapatahan sa'kin dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nasasaktan.

"Kahit sa panaginip hindi ko aakalaing magagawa nila sa'kin to." Iyak ko.

Nakikinig lang si Bea. Hindi siya nagsasalita. Pinapanood niya akong unti unting mawasak.

"I spent three years of my life with Van. Sobrang saya namin to the point na sobrang tiwala ang binigay ko sa kanya! Pa'no niya nagawa sa'kin 'to Bee? He's my first! Alam ni Mona yun. Si Mona na bestfriend ko since grade school. Si Mona na para ko ng kapatid. Si Mona na kulang nalang magpalit kami ng mukha sa sobrang close. Si Mona, Bee.. Si Mona.."

Iyak lang ako ng iyak. Pero kahit anong iyak ko, hindi parin nababawasan ang sakit at bigat sa dibdib ko. Pakiramdam ko ito yung ikamamatay ko.

"Anne, there's something I wanna asked." She said.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang patuloy sa pag-uunahan ang luha ko.

"Did you.. and Van.." hindi niya alam kung itutuloy nya ang tanong. Pero may pakiramdam ako kung ano ang gusto niyang malaman.

"Kung nag sex na ba kami?" I asked. Finishing what she can't asked ng deretso.

She slowly nodded. Natatakot sa kung ano ang makuha niyang sagot.

Then I realized something.

Para akong tanga na natatawa habang umiiyak. Nakakunot naman ngayon ang noo ni Bea.

"That's it! Yun yung gusto niya! Yung gusto niya na hindi ko maibigay, sa iba niya hinanap! Sa iba niya ginawa! Worst, sa bestfriend ko pa! Wala na ba siyang ibang babaeng nakita ha?!" I burst out.

"So that means, you still have your v-card?" She asked again. Naninigurado.

"Oo naman. Kahit naman mahal na mahal ko yun, mas mahal ko din naman ang sarili ko. Ang sakit lang maloko, Bee. Parang buong mundo yung nanloko sa'kin eh." Iyak ko na naman.

"Hindi ka ba aware na hanggang ngayon eh may gusto yang si Mona kay Van?" Takang tanong niya.

Ngayon, noo ko naman ang kumunot.

"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko rin.

"She shared it once to a common friend. I thought you knew."

Kaya pala. Kaya pala ang dali lang para sa kanyang lokohin ako. Kaya pala ang dali lang para sa kanyang ipagpalit yung friendship namin kay Van. Kaya pala ang bilis niyang bumigay kay Van. Shit!

"So all this time, habang nasa relasyon kami ni Van, palihim niya ding sinusulot yung boyfriend ko?!" I exclaimed.

Natahimik si Bea. Kahit ako, hindi makapaniwala. How could she do this to me?

"Sa tingin mo alam ni Van ang tungkol dito?" I asked.

"Sa tingin mo, mangyayari 'to kung hindi?" Tanong din ang sinagot niya sa tanong ko.

Napakaimposible nila.

* * * * *

Kinabukasan ay late na akong nagising. Good thing 1 pm pa ang klase ko. I opened my phone and checked it. I turned it off kasi last night dahil ayokong makatanggap ng kahit na anong text o tawag sa kahit na sinong tao.

Talaga naman. 5 missed calls from Van and a text from Mona.

From: Mona

Alam kong ayaw mo sa taong paulit-ulit na humihingi ng tawad pero magso-sorry pa rin ako. Can we please talk? Kahit sandali lang. Please?

Parang maiiyak na naman ako. I missed her. Kahit kahapon ko pa siya huling nakita. Para kasing ibang Mona ang nakita ko kahapon. Parang hindi ko siya kilala. Sana nga hindi ko nalang siya kilala.

"Ano ba sa salitang 'hindi pwede' ang hindi mo maintindihan, ha?!

Napatingin ako sa sarado kong pintuan ng marinig ko si Bea sa baba na sumisigaw.

I opened the door saka bumaba. Pagdating ko sa sala, I saw Bea standing while holding the door knob. Hindi ko makita kung sino ang kausap niya.

"Nakatulog siyang umiiyak kagabi. Pati ba naman sa paggising niya paiiyakin mo na naman?! Konting awa naman sa pinsan ko, Van!"

Upon hearing his name, nag-unahan na naman sa pagpatak ang mga luha ko. Akala ko ilang araw pa ang lilipas bago siya magpapakita sa'kin. Akala ko magpapractice pa siya ng linya niya. Pero hindi pala. Ilang beses na ba akong nagkamali ng hinala.

"Bea please, kahit sandali lang. I just want to talk to her and explain my side. Gulo namin 'to. Hayaan mong kami ang umayos." Giit niya.

Napapikit ako. Hearing his voice made me cry even more. Agad kong pinunasan ang luha ko. I tried to compose myself at bago pa ulit sumagot si Bea ay sumabat na ako.

"Gusto mo talagang makipag-usap?" Seryoso kong tanong.

"Pwede ba?" Pagbabalik tanong niya.

"Sumunod ka sa'kin." I ordered saka lumabas.

Kahit kanina ko pa pinipigilan ang sarili kong yakapin siya.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now