Chapter 24

1.4K 29 1
                                    

"How about the place?" Tanong ni Mama kay Gio. Nasa conference room kami and having our meeting. Nagpa-finalize na rin kami dahil sa makalawa na ang event. Kung busy kami nung nakaraan ay mas doble ang pagtatrabaho namin ngayon.

Our company is one of the largest and the best clothing line in Asia. Maraming nag-aabang sa malaking event naming ito. Mga kilalang tao din sa industriya ang mga bisita namin kaya ganito na lang ang paghahanda namin. We have to make sure that everything will be perfect. Matagal naming pinaghandaan 'to kaya kailangang takpan ang kahit na gaano kaliit na butas. We just can't let our guests be disappointed.

"Okay na po, Ma'am. Na-check na din po pati ang stage." Magalang naman na sagot ni Gio.

"Good. Mika?" Baling ni Mama dito.

"Yes, Ma'am?"

"Ikaw na ang bahala sa stage set-up."

"Okay po."

"Corrine, have you checked the list of the guests? Make sure lahat makakapunta. Hwag basta basta magpapasok ng wala sa listahan. And please, mas higpitan pa ang security. We'll never know what will happen. Mas mabuti nang sigurado tayo sa seguridad ng lahat."

"Noted, Ma'am.."

"Kumusta ang photographer natin? Wala pa rin bang balita?" Kunot noong tanong ni Mama.

"I've already contacted Mike, Ma. Siya na po ang kinuha naming photographer." Sagot ko.

"Okay, that's good. Na-check n'yo na ba lahat ng damit na gagamitin?"

"Opo, Ma'am. 'Yung models na lang po ang problema." Sagot naman ni Mandy.

"Oh that.." Nahilot ni Mama ang sentido.

"Ma'am bakit, hindi na lang tayo maghanap ng kasing size nina Erika at Joshua?" Gio suggested.

Umiling naman si Mama. "Kukulangin na tayo sa oras. Kailangan nating maghanap ng fit saka 'yung may experience na sa pagrampa. 'Yung malakas ang loob at hindi mahihiya."  She explained.

Natahimik ang lahat at abala sa pag-iisip ng pwedeng sulosyon nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Napatingin silang lahat sa'kin. "Uhm, excuse me. I have to take this call." I said then went out from the conference room.

"Hello?" Sagot ko.

"I love you."

I smiled as I heard his voice. It's been two days since I last saw him and I missed him very much.

"I love you more." Sagot ko.

"I love you most." Natawa ako. Ayaw talaga patalo ng lalaking 'to.

"Bakit ka pala napatawag?" Tanong ko.

"I just missed you so bad." He said in a slow voice. "Bakit? Are you busy?"

"Well, nasa kalagitnaan kami ng meeting when you called. May malaking problema about sa event." Sumbong ko.

"Oh, about that. Pakisabi pala kay Tita na pwede na ako. Napaaga nga kasi diba yung site visit namin? Papauwi na nga kami actually." He said then a smile showed off my face.

"Talaga?" Masayang tanong ko. Isang model na lang ang kailangan namin. Atleast nabawasan ang problema. Hindi na kami mahihirapan masyado sa paghahanap.

"Talagang talaga." Paninigurado niya saka ko siya pinasalamatan. I hunged up the call and went back to the room. Bahagya pa akong nagulat pagpasok because all eyes we're on me.

"Tumawag po si Van, Ma. Available daw siya bukas at sa makalawa." Pagbibigay-alam ko.

"That's good." Nakangiting sabi niya. Napatingin ako sa iba at nakangiti rin silang nakatingin sa'kin.

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now