"Pumayat ka." Sabi ko. Nakaupo kami sa couch at yakap nya ako habang ang isang kamay ay pinaglalaruan ang kamay ko. Nakapulupot naman ang isa kong kamay sa bewang niya.
"Iniwan mo kasi ako eh."
"Wala naman sa'kin yung kaldero n'yo." Biro ko at natawa siya.
"Ang lungkot ko nung iniwan mo 'ko. Nawalan na ako ng ganang kumain. Nawalan na ako nang ganang mabuhay. Lalo na nung naaksidente ako."
"Sinabi ko bang sundan mo 'ko sa airport? Patay na patay ka talaga sa'kin." Sabi ko.
"Oo naman! Aminado naman ako do'n."
"Umiyak ka pa kanina. Improving na talaga yang acting skills mo. Ba't di ka mag-artista?"
Bigla siyang bumitaw sa pagkakayakap sa'kin.
"Hoy, totoo yun ah! Hindi yun arte. Lahat ng sinabi ko galing dito." Turo niya sa dibdib niya. "Sincere ako sa lahat ng sinasabi ko sa'yo. Hindi mo nga ako tinanong kung okay na ako eh. Grabe kaya yung nangyari sa'kin. Isang buwan akong knock-out."
Kahit nag-iinarte ay napangiti ako sa sinabi niya.
"Mukhang ayos ka na naman kaya bakit pa ako mangungumusta?"
"Grabe ka. Bakit ka ba ganyan?" Kunwaring pagtatampo niya.
"Biro lang eh."
"Ewan ko sa'yo."
"Ang bading mo talaga."
Bigla siyang tumalikod kaya natawa na naman ako. Pinagmasdan ko na muna ang likod niya. Ngayon ko lang narealize na miss na miss ko na pala siya. Yung amoy niya, yung titig niya, yung paraan ng pakikipag-usap niya sa'kin. Sobrang na-miss ko lahat yun. Sobra kong na-miss yung Van ko.
Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi kaya naman lumingon siya sa'kin.
"Taking advantage ka ah?" Nakangiting tanong niya.
"Ayaw mo?"
"Pag-iisipan ko muna." Umarte pa siyang nag-iisip talaga.
Tinitigan ko siya. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Hindi talaga ako yung tipo ng babae na mahilig sa boys with pretty face. Mas gusto ko yung responsable saka gentleman kahit hindi masyadong gwapo. But this guy really proved to me that he doesn't just have the looks, but he also have the heart that can melt mine. He proved to me that he's all worth it.
"Ano ba namang titig 'yan? Marupok ako ah!" Sabi niya saka ngumiti.
"Ewan ko sa'yo. Puro ka kalokohan." Sabi ko saka sumandal ulit sa couch.
Tumawa siya. "Hindi na. Halika nga dito." Isinandal niya yung ulo ko sa balikat niya.
"Na-miss mo 'ko?" Bigla ay tanong niya.
"Wala ka na dapat dito kung hindi." Sagot ko habang nakasandal parin sa kanya.
"Mahal mo 'ko?"
"Magiging tayo ba ulit kung hindi?"
"Sabihin mo nga sa'kin. Gusto kong marinig mula sa'yo."
"Demanding."
"Sige na!" Pangungulit niya saka ako pilit na iniharap sa kanya.
"I miss you and I love you." Sagot ko habang nakatitig sa mga mata niya. He leaned down and kissed me. Yung mabilis lang.
"Nagpunta nga pala ako sa opisina n'yo kanina." Bigla ay amin niya.
"Hindi kita nakita." Sagot ko.
"Umalis kasi ako."
"Bakit?"
YOU ARE READING
A Lonely Broken Heart (COMPLETED)
Ficção GeralNakakapagod umiyak. Nakakapagod masaktan. I feel like drowning but no one can save me.