Chapter 17

1.6K 30 1
                                    

"So baby let's just turn down the lights and close the door. Ooh, I love that dress but you won't need it anymore.. You won't need it no more. Let's just kiss  'til were naked, baby.."

Pinipilit kong mag concentrate sa ginagawa ko kahit na kanina pa ako naiingayan kay Van. Naka Facetime kami ngayon at pinapanood niya akong magtrabaho. Kung ano-ano na nga ang kinakanta niya para maaliw ako. Hinahayaan ko na lang kahit ang totoo eh gusto ko ng busalan ang bibig niya. Nung una gusto ko pa yung mga kinakanta niya. Pero yung ngayon? Parang iba.

"Ibang kanta naman." Suhestyon ko sa wakas.

"Bakit? Ayaw mo nun Babe?" Tanong niya.

Tumango ako habang nagbubura.

"Uso kaya 'to ngayon." Ngumuso pa siya. "Versace on the floor." Patuloy niya sa kanta.

Tiningnan ko siya ng masama kaya naman huminto na siya at tiningnan din ako.

"Bakit pakiramdam ko mas lalong lumala 'yang kamalditahan mo?" Kunot noong tanong niya. "Yan ba ang nakuha mo sa paggala sa kung saan-saan, ha?"

"Wala ka ba talagang kailangan gawin ngayon, ha?" Tanong ko.

"Sagutin mo nga ako Ms. Alonzo."

"Tayo na nga ulit di'ba? Bakit pa kita sasagutin.?" Sabi ko habang patuloy lang sa pagguhit.

"Aba, natututo ka na talaga ah?" Namamangha pang aniya.

"May narinig akong kanta kanina. Luma na pero maganda para sa'kin." Bigla ay sabi ko.

"Talaga? Parinig naman."

"Tandaan mo Antonio, hindi kasingganda ng boses mo ang boses ko kaya hwag kang magkakamaling laitin ako." Banta ko saka inihinto ang ginagawa.

"Alam mo Alonzo, matagal ko ng alam 'yun kaya hindi bago sa'kin kung ano man ang marinig ko. Tanggap ko na yun." Ngisi niya saka ko siya inirapan.

I cleared my throat na ikinatawa niya.

"Ayoko na nga!" Reklamo ko.

"Bakit?" Natatawang tanong niya.

"Wala pa nga eh! Natatawa ka na diyan." Nguso ko.

"Ang cute mo kasi."

"Naiinis na ako sa'yo."

"I love you.." Bigla ay sabi niya. Napangiti naman ako. "Kantahan mo na ako, please?" Paglalambing niya.

Kahit hindi naman ako kagalingan sa pagkanta eh sinikap ko hwag maging sintunado. Ayokong mapahiya sa kanya kahit sa simpleng pagkanta lang, at kahit sabihin niya pang mahal niya ako at tanggap niya ang lahat sa akin.

"Say you'll keep me in your heart, promise me we'll never part. I can only love you so much more, 'coz you were all I'm living for. And the only thing I do, is to give my love to you. And forever you'll be in my heart. The way that I have loved you from the start."

Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko habang kumakanta. Nakita ko siyang ngumiti kaya napangiti na rin ako.

"Hold me, like you've never done before. Let me dream away my life. Let me spend this night away until it's morning."

Bahagya akong ngumisi nang ipagpatuloy niya ang kanta.

"Love me, say you'll never leave me. Even if tomorrow, there will be no more sun to shine. You're all that matters."

Pareho kaming nakangiti habang sabay na kumakanta.

"Promise that you'll always love me, that I will be your one and only. And that you'd hold me 'til eternity.."

A Lonely Broken Heart (COMPLETED)Where stories live. Discover now